Reynalou Aller profile icon
Kim cươngKim cương

Reynalou Aller, Philippines

Contributor

Giới thiệu Reynalou Aller

Queen bee of 4 superheroes

Bài đăng(13)
Trả lời(194)
Bài viết(0)

Worried dahil sa pinya...

Long post ahead. mga Sis, I just want to share.. 2nd pregnancy ko na po at ika 6th month ko na ng pagbubuntis. LDR po kami ng asawa at panganay naming anak(7y/o) Naabutan po sila ng lockdown, nasa probinsya po sila. Pinagtapos ko po muna kasi ng pag aaral ang asawa ko hoping for bright future ng sarili naming pamilya.Nung December, nagbakasyon sila dito sa maynila just to spent the christmas with me.Dun ko na rin hiningi sa asawa ko yung 2nd baby namin? Sa una ko pong pagbubuntis, kasama ko po ang asawa ko.. everytime na uuwi siya ng trabaho dati, kadalasan, apple, orange at banana ang pasalubong niya galing sa trabaho.Wala akong naaalala na nakatry kumain ng pinya during may 1st pregnancy. Ngayon po, mag isa lang po ako sa tinutuluyan ko. kwarto kwarto po kasi ang bahay namin dahil nagpapaupa kami.. Si tatay lang po ang kasama ko sa oras ng pagkain pag day off ko, may sarili rin siyang kwarto ng inuoccupy sa bahay. araw araw akong hinahatidan ni tatay ng pagkain sa trabaho. Sa isang cake and bread store po ako nagtatrabaho. araw araw din na iba iba ang prutas na kasama ng pagkain ko? Nung makalawa, nagkataon na pinya ang prutas na dala ni tatay, naka slice na ng maliliit ang pinya. sa buong duty ko, sige lang ako dampot at subo ng isang pinya hanggang pag out ko. mula umaga ng duty ko, napansin kong naninigas ang tyan ko. Hindi nmn ako nag isip ng masama, thinking na normal lng ang paninigas kasi 6 months nko. tapos nung 30 mins nlng mag a-out nko, hindi parin nawawala ang paninigas, deredretso lang at nangangalay na ang bewang ko. thinking na baka pagod lng ako sa trabaho kaya ganun, hindi pa rin ako nag isip ng masama. tapos nag open ako ng TAP, thats the time na nakabasa ako ng mga humihingi ng advice ang mga buntis ng due date na pero di parin naglelabor. karamihan ng nabasa kong advice ay uminom ng pineapple juice o kumain ng pinya. mas effective kung fresh. Kinabahan nko. Dali dali akong nag Google. Grabeng Worry ang naramdaman ko ng mabasa ko na ang pinya ay may enzyme na nakaka cause magkaroon ng contraction na na maaring matuloy sa early labor o miscarriage lalo na sa mga 1st trimester plang. Pasok ako ng CR, nangingilid na luha ko, worry na worry sa baby ko. Gusto kong magalit sa sarili ko, dahil sa kamangmangan, mapapahamak ko ang baby ko. Limang taon ko hiningi sa asawa ko ang 2nd baby nmin at unang lalaking apo both sides. Kinalma ko sarili ko, para makapag isip ng matino at hindi ako mastress masyado dahil uuwi pa ako ng bahay. Pag uwi sa bahay, nagsabi ako kay tatay na stop muna ako sa pinya at nag kwento ng nangyari.. pareho kaming walang alam ni tatay. (4years na pong wala si nanay) That night, Hindi pa rin nawawala ang paninigas ng tyan ko. Then nang nasa kwarto nako nung gabing yun, Nagchat ako sa asawa ko ng nangyari. Nagkanda iyak pa ko dahil sa subrang pagwoworry. Mag isa lang ako at hindi ko sila kasama ng panganay namin. What if may mangyaring hindi maganda.. Parang gusto ko ng paliparin yung asawa at anak ko papunta dito sa Maynila. Masmabuting kasama ko sila, mababawasan ang pag aalala ko. Nag advice yung asawa ko na kumalma ako. Sabi niya, as soon as macomply na niya ang requirements nila for graduation at mgkaroon na ng byahe ay uuwi na sila agad. Grabe ang dasal ko na sanay kumapit ng mahigpit ang baby ko. At sa awa ng Diyos, after 2 days, napansin kong bumalik sa normal yung tyan ko.. May time na tumitigas siya pero hindi na parehas nung makalawa na derederetso lang at walang tigil. Nakikinig talga ang Diyos sa panalangin. Nagpakabait nako at halos araw araw nag reresearch ako ng mga mabuti at bawal na pagkain sa buntis. Parang natruma talaga ako sa pinya.. Kapag may gusto ako kainin, ginoGoogle ko muna. Lesson learned, ang kamangmangan pwede makapahamak ng buhay..

Đọc thêm
 profile icon
Viết phản hồi

Reaction

Share ko lng po mga Moms. Kung kayo po ang nakaexperience nito, ano po magiging reaction nyo? LONG POST AHEAD... Sa time ng panganay ko, nung pina newborn screening nmin siya, 1 month bago namin nkuha yung result.. sa isang lying-in clinic lng ako nanganak at walking distance lang yun mula sa bahay namin. Papunta kami sa talipapa ng sister ko at naisipan nalang namin daanan yung result kasi along the way naman. Dahil first time mom(that time) wala talga ako idea para saan yung newborn screening. Nang ibigay sakin ng staff yung result, out of 5 or 6 tests na nandun ay nagpositive ang baby ko sa G6PD. Eto ako namang si mangmang?biglang tanong sa staff(medyo bata pa, early 20s lng) "miss, ano po yung G6PD? Positive po kasi ang anak ko." Ni wala man lang babala, o hinay hinay, bigla niya kong sinagot ng "ay naku maam! magiging ABNORMAL ang anak nyo paglaki" simpleng sagot niya na parang tipong chumika lang ng chismiss. Nang marinig ko yun, grabe! parang humiwalay ang spirito ko sa katawan ko, ???? pakiramdam ko hindi nako katapak sa lupa, hindi ko na rin narinig ang iba niya pang sinabi. buti nalang kasama ko yung kapatid ko,hindi ko alam kung paano na kami nakauwi ng bahay..Umatungal ako ng umatungal habang karga ko baby ko at sinasabi sa kanya na, "Kahit anong mangyari, mahal na mahal ka ni mama, aalagaan kita hanggang paglaki mo???" Kinagabihan nang dumating asawa ko galing sa trabaho, nadatnan niya kong kargakarga yung 1month old baby namin habang umaatungal ng iyak??? Mixed emotion naramdaman ng asawa ko.at yun din nakita ko sa mukha niya. Di niya raw alam kung matatakot, kakabahan o matatawa raw siya sa itsura ko? muka raw akong aswang umiyak??? " My dear, si Sofie, magiging abnormal paglaki"??? sumbong ko agad sa asawa ko. Kinuhaan niya ko ng tubig at pinainom ng sa ganun kumalma ako. Nung mahimasmasan ako, story telling nako sa kanya kung ano ang naging ganap. after nun, niyakap niya ako habang tumatawa, "Kawawa namn tong asawa ko, oh eto kinse, pumunta ka ng computeran at mag research ka ng tungkol sa G6PD nang makasigurado ka." mga wala pa kming smart phone that time kaya need talga pumunta ng computer shop. Sa subrang shock ko, hindi ko.na rin naisipan yung suggestion ng asawa ko. pinangunahan na talga ako ng pagkabigla, natanong ko tuloy sarili ko kung anong pagpapabaya ang ginawa ko nung nagbubuntis pa ako at bakit magiging abnormal ang anak ko. To make it short, if ever positive talga ang baby nmin sa G6PD, may mga pagkain na bawal siya, but not to the extend sa point na katulad ng sinabi ng staff. Naku, nung nalaman ko talaga ang tungkol sa G6PD, parang gusto kong balikan ang staff. ??? Kung alam niya lang ang pag aalala na binigay niya sakin.. Gigil na gigil talga ako. Sa ngayon, lumaking healthy namn si Sofie, lahat din ng pagkain, kinakain niya. ang sabi, dapat nag pa confirmatory test kami nun para masabing positive talaga siya, kaso di namin ginawa kasi ang mahal. PinasaDiyos nalang namin..

Đọc thêm
 profile icon
Viết phản hồi