Hi mga mi, anong pampalambot ng poops niyo na iniinom/kinakain aside from fruits/high fiber?

15 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

sobrang stressed na ako, sobrang constipated ako. yung parang nakabara yung matigas na poops tapos ayaw lumabas. huhu. nagka-sugat na rin ako yung anus ko kakaire. huhu. sana lumambot pa 'to. I am currently 20 weeks preggy with twins. May nireseta pala si OB sa 'kin, Dophilus pero walang effect. 😭😭😭

Đọc thêm
4t trước

thank you mga mi. try ko tong prune juice..question lang po, hindi po ba siya nakakatrigger ng acid?

yung Nestea Cleanse and Prune juice ng sunsweet nag work sakin. sobrang constipated din ako post pregnancy tapos 2nd week ko pa lang after ma CS. ang sakiiit sobra. hirap pa makaupo at makahiga kundi nakatagilid. yung dalawang yan naka help sakin. di na ko nagpaubos ng stock ng nestea cleanse .

4t trước

alam ko rin po kaya dapat daw po organic e.

wag na wag kang iire ask mo si ob kung may pede kang itake ako pinakaworst ko dinukot ko talaga sya kasi nakalabas ng onti gumamit ako gloves kadire sya kahit akin pa un nagkasugat din pwet ko dahil sa konti tubig inom ko tas nag iron supplements ako

Delight or Yakult once a day. Baka umeffect sayo. Tapos, sa food naman baka umeffect sayo yung Oatmeal original (bili kana lang gatas) Tapos mag Saging ka palagi mhie. Suggestions lang naman since ayan ginagawa ko para makapagpoop eh.

4t trước

di effective yung yakult mi, even yung yogurt with fruits. huhu

same sakin. nahospital pa ako dahil sa sobrang lala ng constipation ko. ang ginawa ng OB ko pinalitan nya ung ferus ko ng merong pampalambot ng pupu tas more on fiber foods para mag ok ung pag poops ko

Thành viên VIP

Okra and pineapple lang akin everyday talaga ako nag popoops then more water. Now 36weeks na ako di ko naranasan mag poop ng subrang tigas.

Pocari sweat po in-advise sa akin ng OB nung nag inform ako na constipated ako. So far, effective naman po.

Lactulose po sabi ni OB saakin. 3x a day, hanggang maging normal poops ko, once a day. Effective sakin

yung anmum milk po effective sakin kahit di ako masyado nagfruits malambot ang poops po.

4t trước

Nakakalaki ng baby mi, hininto ko cia nung 6months pa tyan ko. ngaun 10yrs. Old na baby ko

more water lang mi. and more green leafy vegetables po.