Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Got a bun in the oven
Mosquito repellent patch for newborn
FTM here, nagsstart na po ako magnesting, and I'm planning sana na mag purchase ng anti-mosquito repellent patch. Anong brand po kaya ang safe sa newborn na fda approved? Or kung meron po kayong alam na ibang alternative na safe po sa newborn. Salamat po sa mga magrerecommend.
Too much movements ni baby sa loob ng tyan
FTM here and on my 29th week. Normal lang po ba na sobrang likot ni baby sa loob? Parang hindi sya natutulog tapos may times na masakit din ung mga movements nya. Nababother kasi tlga ako. Feeling baka something is wrong inside kaya di sya mapakali. Salamat po sa sasagot
Sino po ang naglalagay ng efficascent oil sa tyan? (FTM)
Hello po, ask ko lng po kung naglalagay po ba kayo ng Efficascent oil sa puson nyo or buong tyan? Safe lng po b ung init nya? Kapag kasi sobrang lala ng kabag ko natetempt na akong maglagay kaso natatakot ako. 16 weeks na po ung tyan ko. Salamat po sa sasagot
Sencond trimester (first time mom)
Hello po ask ko lang po kung sinong nakakaranas ng same situation. Start ng 15th week ko ngayong araw, and last night nagstart ung pain sa balakang ko like burning na hindi ko maipaliwanag. Very uncomfortable. Nakakakilos naman ako pero pinaka ramdam ko ung discomfort kapag nakahiga ako. Both sides ng hips ko parang nangangalay na ewan ko na hindi ko maexplain..and medyo sumasakit sakit din ung puson ko.. Normal lang po ba un?
Gamot pampakapit
Meron po ba sa inyo ang niresetahan ng aspirin pampakapit? Gano nyo po katagal sya tinake or gabo nya sya katagal itetake? Maliban kasi sa dupbaston niresetahan pa ako ng aspirin dagdag daw pampakapit. How about sa inyo po?
Wala padin Baby Bump
Hello po, 11weeks preggy here. First time mom and hindi pa din halata ung baby bump ko. Laging tinatanong sakin ng partner ko bakit daw di lumalaki ung tyan ko. Sino din po dito ang mga first time lang din and nsa same weeks ko, halata na po ba ung mga baby bumps nyo? What month or week po ba usually nag uumpisang mahalata ang tyan?
Cramps and lower back pain
Hello po, ask ko lng po sana ano ung dapat gawin. Like nagstart po sya last night na sumakit ung puson at balakang ko, ung pain sa balakang is parang burning sya. And this morning kapag po kumikilos ako or matagal na nakatayo sumasakit talaga ung puson ko and limited lang dapat ung kilos at hakbang ko kasi medyo nanghihina din ung katawan ko. Wala naman bleeding nor spotting basta masakit lang. Sunday ngayon so wala akong makontak sa clinic ng OB ko bukas pa sila available. 9weeks 6days preggy po. Natatakot ako kasi I just had a miscarriage last yr. and ayoko na po maulit. This will be my first baby. Any advice po? Please help.