inverted nipple and breast pump lang.
need your advice mommies..ano b ggwun ko kc been trying everything to breastfeed may baby but since inverted nipple ako di tlg sya makadede so nagpump n lng ako..mag 1 month na si baby and problem ko humihina ung milk ko halos hirap na ko maka 3oz bawat pump? kya i have to use formula milk na kc kulang n kay baby ung breastmilk. ano po b pede gawin para lumakas ulit ung milk ko? kumakain nmn po ako lagi ng sabaw n may malunngay, and umiinom din ng malunggay capsule, and mdaming water kaso mhina pa din ung milk?
inverted nipple din po ako. ngayon okay na. kasi tinyaga ko talaga. di talaga sya makadede noon pero sabi ng pedia nya at ob ko tyagain ko daw then namayat sya nung 1st week nya as in sobra. kasi hirap nga siya mag latch. umiiyak na nga ako sa sobrang hirap ko saka awa ko sa baby ko. nagtry ako mag pump noon dahil ang sakit na ng dede ko abg dami na kaseng milk, natulo na nga sya sayang. kaso sabi pedia ko dapat daw tyagain ko talaga sa breast para umangat din nipple ko saka mahalaga ang skin to skin contact ng mommy at baby. then nagsuggest din yung ob ko nung Nipple shield na nilalagay sa breast parang may chupon para doon sya maglatch ayun nakakadede siya. may nakapag sabi din na ipadede daw sa asawa para umangat. ayun, effective naman sa akin kasi umangat talaga nipple ko. di na nahirapan ang baby ko sa pagdede di ko na din ginamit yung nipple shield kasi di na need sa pagpapadami ng gatas naman po consult din kayo sa ob o pedia nyo. kasi malunggay caps lang nakapagpalakas ng milk ko. tumaba ng husto baby ko
Đọc thêmHello kapwa mommy, same tayo inverted dn nipple ko. halos 2wks yata ako nagpump para lang hndi magformula si baby ko. gnawa ko nung before mag1st month, pag gising si baby nagpapractice kami maglatch. everytime na gising sya. tinyaga ko tlaga and kaht masakit sa una naghupa na gawa ng pagpump. Unti unti nasasanay sya. kahit umiyak sya since umaga naman ok lang. and support dn hawakan mo breast mo mula sa ilalim papataas offer mo sa kanya. medyo nakakangalay pero worth it. after 2wks dn yata yun nasasanay na sya. hanggang sa nag ebf na ko. kaht gabi saken na sya nadede. dn ko nagpapump. less hassle less pagod more tulog. 4mos na si baby ko ganun na routine namin. mag iiba lang now na magback to work na ko though push pa dn breastfeeding with breastmilk storage.
Đọc thêmganyan dn sakin sis :( good sign na dn yan na sinisipsip nya yung milk na natulo ganyan dn saken nung una. basta everyday gawin mo. tama na wag tayo susuko kasi mas masakit sa puso na makita mo magformula anak mo kahit na may gatas naman tyo. inom ka na dn ng malunggay capsula saka masabaw. gatas. pwede ka dn pahilot sa manghihilot sa likod pampalakas ng gatas.
Hi momsh.. I suggest na makinig and sumali ka dun sa page ng breastfeeding mom sa fb.. I dont want you to regret kagaya ng ngyari sken.. Ganyang ganyan din ako, I do all the pump while baby was sleeping and also inverted nipple ko kaya hirap din tlaga sya every night ung latch nya sken.. Until one day after a month, hindi na ako maka1oz na pump.. hanggang sa tuluyan ng nawala.. And ang mahal ng milk ng baby ko, weekly kami nagpapalit na umaabot ng 5.2k a month milk nya.. So imagine ang matitipid mo and healthy pa si baby mo sa bm.. Keri mo yan momsh.
Đọc thêmHi momsh, pareho tayo inverted nipple. Pump lang ng pump lalabas din yan. Possible kaya humihina milk mo less than 8 times a day ka magpump. Dapat 8 time or more. Then every morning mag skin to skin kayo ni Baby. Yung nka diaper lang siya and nakalagay sa sa gitna ng breast mo. Tapat tapat mo yung nipples mo sa bibig niya. Orasan mo yung feed niya. Sa next feed niya bago siya yung gutom na gutom ioffer mo breast mo try mo lang edi kapag ayaw wag mo pilitin. Or try mo sin cup feeding para hindi niya maconfuse sa nipple mo at sa bottle nipple.
Đọc thêmSis! Pa sipsip mo nipples mo kay hubby para lumabas nipples mooo. Sure makaka latch si baby dyan. Or buy ka nipple puller. Same din tayo eh, pero sa left boob lang sya hindi maka latch. So right lang sya lagi nag bf tas humina supply ko sa left kasi di nag lalatch si baby kahit ipump ko 1 Oz nalang minsan. Pero now tyinaga ko lang hilahin nipples ko before ko ifeed si baby para grab nya nipples ko
Đọc thêmBaka kasi hindi pa sanay si baby mo tska baka nasanay sa bottle? Kasi sa akin hindi naman hirap, tska hindi sila bottle fed non sa hospital kaya din hindi na confuse sa nipple. Try mo mommy yung Life Oil and eat oatmeal lagi. Yang dalawang yan nakapag palakas ng milk ko 😊 Pero syempre wag ititigil yung pagkain ng soup with malunggay and always hydrate after ka mag pump or feed kay baby.
Đọc thêmMomsh,ok lngbpo bayung instant oatmeal or yung quick cookung na oatmeal?
i-syringe mo tiisin mo nga lang sakit kasi para naman yan sa baby mo. inverted din ako dati tyinaga ko lang talaga sa syringe. syringe before padedehin si baby tapos alalayan mo sya. talaga pong hihina yan kung hindi sinasuck ni baby kahit anong inom mo pa ng kung ano yan hihina padin yan. kung no choice kana talaga kailangan mo ng magandang pump medyo may kamahalan nga lang yun.
Đọc thêmTry nyo po search yung M2 malunggay drink (https://www.facebook.com/1764588417133688/posts/2322167158042475/) saka orich na malunggay iced tea ( https://m.facebook.com/Orich.ph/photos/a.336797766408700/2225238850897906/?type=3) https://babymama.ph/product-category/lactation-aids/drinks/ (pwede nyo rin po i order dyan) Pampadami po ng Breastmilk 😊😊
Đọc thêmmommies. ipalatch mo lang po ng ipalatch , wag ka pong susuko .. tiwala lang din sa sarili momsh, inverted nipple den po ako, and 1month kong nityaga ang sobrang saket habang sumususo si baby and its all worth it successful naman po ako. EBF na ngayon ang 4months old baby boy ko 😊
mommy ok lang po yun, sa pump talaga po meron times na konti makukuha mo po. like me, sa pumping po eh di pa ko nakaka.2oz. ng milk momsh pero sa unlilatch makikita mo naman pong satisfied si baby, nakabased po kasi ang milk supply mo sa kung gaano kadame ang kelangan ni baby kaya no need to worry momsh, ipalatch mo lang po ng ipalatch .. and positive thinking lang den po 😊
Promo terbesar expert care sudah dimulai, diskon hingga Rp.100.000 sedang berlangsung di shopee, ada juga voucher diskon 100% alias gratis bagi bunda yang beruntung. Buruan cek di https://shope.ee/9UfEMMqqTg (id-107660)
A Mom to my first born Gabbi