Over protective ba ako? Need advice.

Hello need ko lang advice kung OA lang po ba ako o ano. I'm currently 37 weeks pregnant. Waiting nalang din po sa paglabas ni baby. Sa side ng LIP ko, etong baby ko ang magiging unang apo sa side nila. Bale isang compound po sama sama silang buong angkan magmula sa lola ng LIP ko hanggang sa kanilang mga apo na. Dito kami tumutuloy ngayon sa family ko since first baby ko to at pandemic. Magkalapit lang din po ang compound nila sa bahay namin. Simula ng nagbuntis ako masaya sila dahil unang apo sa tuhod ng lola nya to at unang apo ng parents at mga tito, tita nya. Pero nagkapandemic po. Natatakot ako sa excitement nila sa baby ko. Sinabe ko po sa LIP ko na pag nanganak na ko, gusto ko mama, papa at kapatid nya nalang muna ang bibisita sa baby ko. Natatakot kasi ako sa mga nababasa ko na mga nagkakasakit na baby dahil sa mga di mapigilang halikan at hawakan ang baby lalo na pag newborn. Dumagdag pa na nagkaCOVID19 kaya lalo ako napraning. One time, nagshare ako sa fb about sa baby na pumanaw dahil nahawa sa virus ng bisita. Ang caption ko "kaya ayaw ko muna magkabisita pag lumabas si baby". Then nung kelan napadaan ako sa compound ng LIP ko, sabi ng tita nya saken "baka naman pag nanganak ka, di mo kami papuntahin sainyo" sabi ko "pag malaki na sya". Kasi iniisip ko pag may mga vaccine na si baby, dun ko nalang sila papapuntahin or ippunta sa compound nila dahil takot talaga ako. Alam ko ang excitement nila, di nila mapipigilan na di hawakan o halikan ang unang apo nila. Kaso po isang compound po sila, masyado po silang madame. Ayan po kinakatakot ko na di nila mapigilan. Ang sabi po ng tita nya saken "bakit pag malaki na?" Sagot ko naman "magrerecover pa kame ni baby, sympre kakalabas lang namin ospital if ever papalakas pa kame" pabiro kong sinabe with tawa tawa pa. Ang sagot naman nya saken "hay bahala ka basta pag nakauwe kayo susugod na kame sainyo. Swerte mo nga dami magaalalaga sa baby mo" tas tumawa nalang po ako. Sorry po sobrang haba pero need ko talaga ng advice. Sabi kasi ng mother ko, wag daw ako magsalita dahil baka magtanim sila ng sama ng loob saken. Wala din naman ako balak sabihan sila kaso di ko po alam pano gagawen ko if ever lumabas na baby ko. Over thinking ba ako? Over protective masyado sa baby ko? OA po ba ang mga rason ko? #1stimemom #advicepls #theasianparentph

12 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

dito Naman po sa LIP ko ma swerte ako sa mama Niya dahil nong nag ka pandemic na hospital Kasi Ang mama Niya nag ka mild stroke madami Sana bibisita kay inay pero Sabi Niya wag muna daw karamihan ang bibisita gawa ng buntis ako at si inay si tita na mismo nag Sabi na pag lumabas si baby eh Hindi muna mag papapunta ng mga bisita ang pwede muna humawak or kumarga sa kanya yung nasa luob lang ng bahay Yung mga kasami namin tumira dito and then Kong galing ka sa labas maligo muna bago lumapit kay baby at Kong bisita Naman mag alcohol muna ng kamay at lagyan ng sapin si baby kong kakakargahin para maiwasan Ang skin to skin contact kahit pangalawang Apo na nila si baby ey pinag iingat parin niya kami

Đọc thêm
Thành viên VIP

hi mommy, akala ko nagbabasa ako ng story ko after ko manganak. same na same tayo mommy. at hindi po pagdadamot yun. basta i explain lang ng ayos sakanila.. after ko manganak, wala talaga nakalapit sa baby ko hanggang mag 1 month (kami lang ng husband ko). kahit mga bata hindi nakakalapit. nakakaawa nga kasi alam mo ba mommy, nasa labas sila ng bintana ng bahay namin natingin kay baby (naka sliding window kami) pero para naman kasi un kay baby.. ni bawal humalik, bawal hawakan. bawal lumapit. sobrang strict ko nun.. pero naintindihan naman nila.. kasi mommy, pag may nangyari kay baby hindi naman sila ang magpapagamot diba? basta iexplain mo lang ng ayos sakanila.

Đọc thêm
Thành viên VIP

i agree with you momsh.. natural lang na maging over protective tayo sa panahon ngayon.. ako nga dito sa bahay namin pag may namasyal kamag anak talaga pinaliligo muna bago lalapit sa mga anak ko, direct ko sinasabi kung sino man dumating na magpalit ng damit,maghugas muna ng kamay, alcohol bago hawakan mga anak ko.. i have 8yrs. old and 3yrs. old parehong boys then 25weeks pregnant ako now.. my family, my rules.. safety first.. mula march di pinaka ingat ingatan ko pamilya ko sa virus na yan kaya di ako papayag na masira yun wall of protection namin..

Đọc thêm

lahat naman po ng mommies gnyan ang nararamdaman..gusto ko rin po pagkapanganak ko wala munang bibisita kahit good naman intention nila..may ganyan na rin kasi akong case ng friend ko na relatives nila bumisita tpos binuhat at kiss pa si baby nya den nabalitaan nagpositive sa covid ayun pati yung bata nahawa...kaya OA man pero for safety din kasi.

Đọc thêm

Mas maigi po yan mommy sana maintindihan ka nla kapakanan lng ng anak mo inaalala mo ksi d nmn sla mahihirpn eh pag ng sakit si baby or kayu. Mas maigi po huwag ka muna tumanggap ng bisita I pakita mo nlang si baby mo sknla by video. Khit po ako ayw ko may mdami dumadlaw sa baby k gstu ko un mga ksma k lang sa bahay mhirap na lalo ngyun pandemic

Đọc thêm
Thành viên VIP

your baby your rules momsh. normal po ung maging overprotective ka lalo na't may pandemya. hnd po OA ung reason mo momsh i strongly agree with u. hndi pa ganun kalakas resistensya ng baby mo kaya lahat ng pag iingat dapat gawin.

Nasa sayo ang lahat ng karapatan to decide on your baby. Maging ako ganon din gagawin ko. Kapag umalma sila sasabihin ko, "pag nagkasakit ba ang bata kayo mag aalaga?" I doubt! Anyway, Godbless you mommy! 😇

Hindi po. kapakanan lang ng baby mo ang iniisip mo dahil sa panahon ngaun mahirap na .Dahil di natin alam kung sino ang may skit na hahawak sa Baby natin..

Thành viên VIP

Ako nga po di pa nakalabas si baby may rules na ako na ginawa 😂. Tapos sinabihan ko na husband ko na bawal muna ang visitors.

Mas maigi na po yan mommy kaysa magsisi ka sa huli. Ok lang maging over protected kay baby, walang masama don mommy.