Over protective ba ako? Need advice.

Hello need ko lang advice kung OA lang po ba ako o ano. I'm currently 37 weeks pregnant. Waiting nalang din po sa paglabas ni baby. Sa side ng LIP ko, etong baby ko ang magiging unang apo sa side nila. Bale isang compound po sama sama silang buong angkan magmula sa lola ng LIP ko hanggang sa kanilang mga apo na. Dito kami tumutuloy ngayon sa family ko since first baby ko to at pandemic. Magkalapit lang din po ang compound nila sa bahay namin. Simula ng nagbuntis ako masaya sila dahil unang apo sa tuhod ng lola nya to at unang apo ng parents at mga tito, tita nya. Pero nagkapandemic po. Natatakot ako sa excitement nila sa baby ko. Sinabe ko po sa LIP ko na pag nanganak na ko, gusto ko mama, papa at kapatid nya nalang muna ang bibisita sa baby ko. Natatakot kasi ako sa mga nababasa ko na mga nagkakasakit na baby dahil sa mga di mapigilang halikan at hawakan ang baby lalo na pag newborn. Dumagdag pa na nagkaCOVID19 kaya lalo ako napraning. One time, nagshare ako sa fb about sa baby na pumanaw dahil nahawa sa virus ng bisita. Ang caption ko "kaya ayaw ko muna magkabisita pag lumabas si baby". Then nung kelan napadaan ako sa compound ng LIP ko, sabi ng tita nya saken "baka naman pag nanganak ka, di mo kami papuntahin sainyo" sabi ko "pag malaki na sya". Kasi iniisip ko pag may mga vaccine na si baby, dun ko nalang sila papapuntahin or ippunta sa compound nila dahil takot talaga ako. Alam ko ang excitement nila, di nila mapipigilan na di hawakan o halikan ang unang apo nila. Kaso po isang compound po sila, masyado po silang madame. Ayan po kinakatakot ko na di nila mapigilan. Ang sabi po ng tita nya saken "bakit pag malaki na?" Sagot ko naman "magrerecover pa kame ni baby, sympre kakalabas lang namin ospital if ever papalakas pa kame" pabiro kong sinabe with tawa tawa pa. Ang sagot naman nya saken "hay bahala ka basta pag nakauwe kayo susugod na kame sainyo. Swerte mo nga dami magaalalaga sa baby mo" tas tumawa nalang po ako. Sorry po sobrang haba pero need ko talaga ng advice. Sabi kasi ng mother ko, wag daw ako magsalita dahil baka magtanim sila ng sama ng loob saken. Wala din naman ako balak sabihan sila kaso di ko po alam pano gagawen ko if ever lumabas na baby ko. Over thinking ba ako? Over protective masyado sa baby ko? OA po ba ang mga rason ko? #1stimemom #advicepls #theasianparentph

12 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

nung nanganak ako pinaskil ko sa lavas " No visitors allowed" hahaha

same here malapit n ako manganak yan din iniisp ko haaaaysss