Breastmilk
need help!!!ano po ba pwdeng gawin para maka gatas 1 week na po since nanganak ako, wala parin ako gatas ngaun kahit nagtatake ako ng malungay capsule..

Based on Supply and Demand po ang breastmilk production natin. So dapat padedehin si baby, para magkagatas tayo. Hindi yung hihintayin munang magkagatas bago padedehin si baby ☺️ Kaya ang best na "pampadami" ng breastmilk ay Unlilatch/ feed on demand lang po and keep yourself healthy, well-hydrated, and make sure naka-deep latch si baby ☺️ Also, ang batayan po ng dami ng breastmilk natin ay based on baby's output (poops, wiwi, pawis), at NEVER sa dami ng napu-pump/ pisil or paninigas ng dede. And remember na kapag umiiyak or iritable si baby, it doesn't always mean din na gutom sya ☺️ I highly recommend po na magjoin kayo sa FB grp na "Breastfeeding Pinays" for proper education and support group on breastfeeding ☺️ (https://www.facebook.com/groups/breastfeedingpinays/)
Đọc thêm