Ano'ng tawag mo sa in-laws mo?

Natatawag mo na ba sila ng mama o papa?

Ano'ng tawag mo sa in-laws mo?
489 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Hello mga mommies advice naman din. ako hirap din makisama family ni husband. bat ganon? ako pa ang masama? 😅 Mag tatlong taon narin po na kasal kami ng asawa ko at 7 years kaming mag bf/gf, may baby narin po kami kaso nakatira po kami sa iisang bahay kasama ang pamilya ni hubby, nangyare po ito dahil lahat ng ipon namin simula noong mag bf/gf kami inilagay namin sa pagpapagawa nitong bahay para magkaroon na sila ng sariling bahay at hindi na manguupa. kahit nakalaan po yung pera na yon para sana sa sarili naming bahay at lupa naming magasawa. PERO... dahil nga nangungupahan lang sila noon at pinapaalis na sila sa inuupahan nila, nakapagdecide si hubby na magpagawa nalang sila ng sarili nilang bahay at humingi ng permiso saaken si hubby kung pwede galawin yung ipon namin, pumayag naman ako dahil nasa isip ko siya naman ang titira doon kasama pamilya nya at magbf/gf pa naman kami at makakaipon pa naman ulit, lumaki ang gastos dahil napalaki ang bahay kaya lahat ng ipon namin nailagay sa pagpapagawa. di inaasahan ilang buwan palang ng naitayo itong bahay nabuntis po ako, kaya ang ending kami ang nakikitira. Hindi po ako maclose na tao, mahiyain po ako at takot ako na may masabi saaken pamilya ng asawa ko. I hate myself kasi ganito po ako lumaki, kaya sobra po nagalala ang pamilya ko saaken noong nlaman nilang buntis ako at wala pa kami sariling bahay na titirhan, alam po kasi nila na sobrang mahiyain ako at wala din po ako alam masyado gawin sa gawaing bahay lalo na ang pagluluto. kaya paano po ako makikisama. kung sasabihin niyo po bat hindi ko pagaralan magluto para may maitulong ako dito sa bahay, hindi po ganun kadali kasi share share po kami sa gastos sa pagkain dito at nakabudget po yung pagkain na lulutuin. kaya natatakot po ako makialam baka palpak pa po maluto ko at masayang. meron naman po kami katulong dito sa bahay sya ang nagluluto pero uwian po sa gabi. kaya yung SIL or MIL ko ang nagluluto pag gabi. May time po na nagkagulo dito sa bahay dahil pinapakealaman po ng SIL ko yung katulong ni Baby at dami sinasabi tungkol saamin magasawa. Pero ang hindi ko po magets bakit saaken po galit na galit samantalang sya po ang sabi ng sabi sa yaya ni baby at nalaman ko po yung sinabi nya. nasaktan po ako kaya nagtanong lang naman po ako sa asawa ko bakit ganon magsalita saamin yung ate nya. nagalit po sakanya si hubby, pero bakit po saaken po galit na galit sinasabi na sinusulsulan ko daw asawa ko? dami pa po sinabi na kesyo ayaw nila saaken una palang. samantalang tahimik lang naman po ako at di nakikisali sa sa gulo nila kapag nagkkaroon ng alitan dito sa bahay dahil puro kami nalang napapansin tapos sila na itong sabi ng sabi kapag nagreact asawa ko sila pa ang galit saamin lalo na saaken isip nila sinusulsulan ko asawa ko. Gusto na po namin humiwalay pero hirap po dahil di na po kami masyado makaipon sa dami ng gastos. Normal lang po ba yung ganito pag nag asawa? tama rin po ba na hindi dapat ako magsabi ng nararamdaman ko sa asawa ko, sa mga nalalaman kong sinasabi nila saamin lalo na saaken dahil magagalit asawa ko sakanila? please advice po.

Đọc thêm

Libog at pilay. 🤣🤣🙄 (Explanations..) Libog si babaeng byenan. Kase niloko nya byenan kong lalake. Hindi lang isa. Dalawang beses pa. At isa pa, galit ako. Kase imbis na kami na dapat ng anak ko ang iintindihin ng asawa ko, nakikisali pa sya sa sustento. Samantalang, dapat sila ang tumutulong samin dahil baguhan pa lang kami mag asawa. Kakasal lang ng January 29. Manganganak ako ng December 25. Maliit lang sahod ng asawa ko at pinag kakasya ko budget namin. Nakikisali pa sya. I mean, ng hihingi pa. Hindi ba pwedeng mang hingi sya sustento sa ibang abak nyang dalaga at binata? Nasa ibang bansa pa. Bakit sa anak pang may asawa at anak na. Tapos mag susumbong sa mga anak na babae na ayaw daw sya bigyan ng pera ng asawa ko? Hindi naisip na maliit, plus manganganak pa ako, kelangan mag ipon. Kaya nag aaway away sila mag kapatid dahil puro pera ang byenan kong babae samatalang ang perang binibigay lang ng anak nya, napupunta sa hilig nya kumuha ng lalake! Pilay. Byenan kong lalake. Mabait naman kaso tamang hinala. Ng dadamay ng ibang tao. Nastroke sya kaya pilay tawag ko. Hindi naman ako totally galit. Kaso kase, naka bukod na kami, pupuntahan pa kami sa bahay para mag sumbong lang ng pinag awayan nila mag asawa na kesyo ng lalake nanaman byenan kong babae. Meho madamot kase ayaw nya mag labas ng pera para pang gastos nila sa loob ng bahay nila. Alam mo yung tahimik kayo mag asawa, bigla may susugod sa bahay namin na mag susumbong tapos mag wawala dun kase umalis nanaman ang byenan kong babae para mag pakamot. Haaay.. Sakit sa ulo ang ganyang in laws. Kahit mga hipag ko na epal. Masyado mapapel. Wala naman naitulong samin ng asawa ko. Kung kontrolin kami, akala mo nakatulong. (sarili kaming sikap para hindi umaasa sa mga magulang. Ako ang pamilya ko tumutulong samin. Syempre hindiaiiwasan mabitin sa budget kaya kungay tulong, tanggap. Kaya wala sya masasabi sa side ko kahit mga ate ko. Bunso kase ako. Side nya lang talaga ang magulo.) Haaaays..

Đọc thêm

sa father ng partner ko po tito...sa mama nya wala po di ksi kmi close naiinis rin ksi ako dun ksi nung dto sa amin tumira ng 6 months walang ibang ginawa kundi bigyan kmi ng problema ksi kung kani kanino na lng nangungutang dto sa mga kapit bahay....tpos pag araw na ng bayaran na pinangako nya bigla syang mawawala edi kmi yung sisingilin khit wala kming kaalam alam kung ano yung pinag uutang nya...tpos sya pa may ganang mag mura at sabhan akong walang hiya....nasaan kya yung hustisya dun ehh sya nga tong ang laki laki ng utang din sakin...sabagay ok na yun numg last year pa nman ngyari yun nung di pko buntis ehh iba na ngayon...yung ipapautang ko sa kanya na limot bayad na nman...ibili ko na lng ng needs ng magiging baby ko...happy pko😊

Đọc thêm

𝑦𝑒𝑠 😊𝑘𝑢𝑛𝑔 𝑎𝑛𝑢𝑛𝑔 𝑡𝑎𝑤𝑎𝑔 𝑛𝑔 𝑎𝑠𝑎𝑤𝑎 𝑘𝑜 𝑠𝑎𝑘𝑎𝑛𝑖𝑙𝑎 𝑔𝑎𝑛𝑢𝑛 𝑑𝑖𝑛 𝑎𝑘𝑜 "𝑀𝑎𝑚𝑎 𝑎𝑡 𝑃𝑎𝑝𝑎"

mag bf/gf palang kami mama/papa na kasi 5boys anak nila so ako daw una nilang anak na babae 🥰🥰🥰 and napaka swerte ko kasi sobrang bait nila since now till now turning 3yrs na kami ng asawa ko with 1yr old baby girl 🥰🥰🥰

Thành viên VIP

Ahaha naiilang pa ako tawagin si mother-in-law ng "mama" 😂 Through vid. call lang kami nagkausap.. Hirap kasi pag nasa malayo.. Tamang po at opo lang me~ Pero nung huling bisita nya sa Pinas "ma" ayun ang tawag ko HAHAHAHA

11 yrs na kme ni lip pero never ko pa natawag na mama yung biyenan ko😅☺️. maski tita never pero ok nman kme close di ko Alam bat di ko pa sya tinatawag na mama cguro next year pag kinasal na kme ni lip

4y trước

tito/tita pa dn.. kahit kasal na kami..yun na dn kasi nakasanayan ☺️

Before tita lang since hindi kami kasal but nung lumabas na si baby tinawag ko na siyang mommy kasi naisip ko baka makalakihan ni baby na maririnig niyang tita ang tawag ko gayahin ako hehe

.hahaha tita at tito pero ngaun inaaral ko palang magmama at papa sa knila nasany kase ako sa tita at tito minsan nga po s husband n knausap sanabhn n turuan ako mag mama at papa sa knila😂

dati, ate (name). un kasi nakasanayan simula bata e.hindi kasi uso ang tita/tito sa lugar namin. ngayon, nanay na.medyo nakakailang at minsan natatawag ko paring ate 😅, pero keri naman.