Tita Mommy
Ano'ng tawag mo sa biyenan mo?
Apat na taon na anak namin ng asawa ko Tita pa din . Hahaha 😂 pero nung nag limang taon mama na sbe nya ksi sa Loob ng isang araw at maka tatlong twag ako ng tita sa knya . Ililibre ko daw sya ng Bucket ng manok sa Jollibee 😂 Super Bait at cool nya . at mapag mahal sa mga anak pati smin manugang nya . Nung una ako pinakilala ng asawa ko talagang todo asikaso sya skin . Hanggang ngayon ganon pa din . pag may sakit ako Todo alaga dn skin . sya dn ksama ko sa ospital nung manganak ako . Swerte ko sa Byenan ko eh 😍♥️
Đọc thêmSANA ALL MAY BIYANAN😏 AKO KASI SIMULA MAG KA ANAK AT BUMUKOD KAMI... PARA SAKIN WALA NAKONG KINIKILALANG BIYANAN! ANG LAGAY KASI PARANG INAGAWAN Ko sya ng anak at pera... hndi kami madamot sadyang kinukulang na kami kapag halos ang sahod ng anak nya eh nasa kanila padin... Ang labas sa 5 taon na magkasama kami ng anak nya lahat naman nasa kanila... ngayun ngayun nalang kami hndi mka bigay kasi nawalan ako ng trabaho... Wala nang nahawakan ni singkong duling galing sa anak nya... simula daw mag sama kami wala na naitulong anak nya sa kanya.... saya nuh?
Đọc thêmi feel you sis ganyan din biyenan ko sa kin pero yung biyanan kong lalaki tapos yung kinakasama nya ngayon sobrang bait sakin asikaso ako ni tita samanatalang yung biyanan kong babae kaaway ko din
Madam kasi di kami close e tapos ayaw sakin noon. Ngayon gigil padin kasi pinapatulan ko sya 😔🙄 eh mahal nya lang anak nya at apo nya kaya nakakapag timpi sakin hmmm. Wlaa namn ako ginagawang masama sakanya.. Sya nga tong panay sabi ng masama sakin kaya napapatulan ko e 😂 Mabait padin kasi pag nadalaw mag ama ko don skanila pag uwi dami dala groceries at snacks ng anak namin hehe
Đọc thêmSame here po.gnyan din yung sakin. Hehe
Mama.. Kaht na d kami close at d kami nag uusap tlga.. Ung civil lng kami pareho.. Ewan ko kung anong prob nun sakin.. Ako pa nga nagbibigay ng pera nia kung minsan.. Pero ewan ko dn.. Buti nalang d ko kasama sa iisang bahay at malayo kami.. Ngkakasama lng kami kpag nagbabakasyon kami pero matagal na ang 3days...
Đọc thêmMama at Papa! hahah magbf/gf pa lang kami yun na tawag ko saknila.. Tawag din kasi nila sakin anak kya ayun. And super close din ako sknila lalo na ngayong may baby na kami. Super lucky ko sa mga in-laws ko, super bait and super love kami ni baby lalo na first apo na boy.
Nanay at Tatay.. napaka bait ng mga in-laws ko po. kahit Nung Hindi pa kami magkakilala ng Mr. ko subrang napamahal na sila sa akin. Ultimo pagkain ko ay inihahain pa ni Nanay. subrang bless Ako to have them.. They are one of answered prayers that God has bestowed...
Tita at Tito kasi technically maglive in partner lng kami ng anak nila kahit sabihin nilang mama at papa na daw dapat but I feel uneasy calling them with those endearments. Pero ang LIP ko nanay at tatay na tawag nya sa parents ko
Ma/pa pero hinde ko dapat sila tinatawag na ganun kasi mga wala silang kwenta. yung byanan ko mga ubod ng plastik at mapanggap. Napakahusay din gumawa ng kwento kaya blocked na sila. Kakapal ng mukha lalapit lapit sa anak ko
tita/tito kasi hindi kami kasal ng anak nila. may dalawang apo na sila sa akin at tumitira kami sa iisang bahay. khit pa cguro makasal na kami ng anak nila yun pa din itatawag ko sa kanila.
Nanay and Tatay. One time natawag ko ng ante yung mother ni hubby. Sobrang hiya ko 😂 Di kasi ko sanay 😂 Si hubby naman tinawag nyang uncle si papa. Nagalit tuloy sa kanya 😂
Mama of 1 adventurous son