STAY AT HOME MOM "DEPRESSION"

Naranasan niyo na rin ba yung malungkot ng walang dahilan? Yung tipong mahal ka naman ng asawa mo, may malusog at bibong anak, mabuting magulang at mga kapatid, kumakain ka ng tama araw-araw, may maayos na bahay, may cellphone at internet connection pero tila sobrang bugnot at nawawalan ka ng gana sa buhay? Ako kasi, oo. Dumating din ako sa puntong ganun. At kung minsan ay nararanasan ko pa rin yun. Minsan naisip ko bakit kaya? Ano kayang dahilan? Bakit kailangan ko pang maranasan to? Gusto ko man ito’y di na muling maramdaman pero kung minsan talaga ay hindi maiwasan. Doon ko nalaman yung tinatawag nilang “stay at home mom depression.” Yung akala ng iba ang sarap ng buhay mo kasi hindi ka nagbabanat ng buto, maghapon lang sa kwarto at ang tanging pinaka trabaho mo eh ang mag alaga ng anak mo. Pero minsan rin ba natanong ninyo kami kung hindi rin ba kami nahihirapan? Sa araw- araw naming ginagampanan? Yung maghapon paulit-ulit nalang ang nangyayari sa buhay mo tila teleserye nalang sa TV ang nagbabago. Yung ang dami mong gustong gawin tulad ng maghanap-buhay pero di mo magawa dahil hindi mo kayang ipagkatiwala ang anak mo sa ibang tao. Yung mas pinili mong alagaan at makasama ang anak mo at ipagpaliban muna ang magtrabaho. Yung gusto mong gumala pero napagtanto mo di kana pala dalaga. Yung tipong laging apat na sulok nalang ng kuwarto ang nakikita mo. Yung pakiramdam na tila napakaliit mo kasi di ka makatulong sa mga sa araw-araw na pangangailangan ninyo. At napakadami pang iba... na alam kong pag naranasan niyo na mismo ay doon niyo lang mapagtatanto na totoo pala ang hirap na sinasabi ko. Sa mga may kaibigan diyan na alam niyong may ganitong sitwasyon ngayon nila kayo mas kailangan. Ngayon nila kailangan ng taong kaagapay. Simpleng chat, simpleng chika napakalaking tulong na ito para sakanila? At siyempre... Sana sa mga mister diyan minsan tanungin niyo rin yung mga asawa ninyo kung sila ay ayos pa ba? Maglaan rin sana kayo ng panahon para magkaroon kayo ng quality time❤️ Even a little heart to heart talk can make a big change sa mood nila. Promise✋? And of course bigyan niyo din sila ng day-off at “me” time kung maaari❤️ Tandaan niyo 24/7 ang duty nila at take note walang weekly day off? Ctto: fb post of mommy chinay ❤

2 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Very well said mamsh

Thành viên VIP

opo