Nangyari na ba ito sa'yo?
Napagalitan ka na ba ng biyenan mo?
Since naging mag boyfriend/girlfriend kami ng partner ko until now na may 2 yrs old n kaming baby. Never akong nakaranas ng pangit sa byenan ko, sa katunayan sya ang nag aalaga ng apo nya since andito ako sa manila at yung partner ko ay may work din sa province. Ginive up nya ang mini sari sari store nya para lang matutukan ang anak nmen since alam nyang kelangan nmen mag trabaho. Kahit di kami masyado nakakapag abot wala kaming narinig na kahit anong salita mula sa kanya, well sa partner ko na anak nya mnsan nakakagalitan nya dahil mnsan matigas ang ulo. Kaya kahit hndi kasing ganda sa iba ang estado ng buhay nmen, masaya at may peace of mind ako. At isa yan sa ipinag papasalamat ko sa diyos😌😇
Đọc thêmYes, madalas aq pagalitan dati, kinukumpara pa aq sa bilas ko na manugang nia den, madiskarte daw un, kc marunong magmanicure pedicure, e malalaki na anak nun, sakin baby pa😔tapos nagbibisayaan pa cla😞hindi ko maintindhan aq na pala pinagMamaritesan nila mag iina, but its okay, may kanya kanya tau kakayahan mga mommies, and im so proud sa kung anu kakayahan ko na di nila nakikita kc may peso sign🤑🤑🤑sia sa mata😜😁e wala aq maibbgy na ganun, gastusin ko nlng sa mga anak ko kesa ipampabango ko sa pangalan ko s knila, 🤗😊God bless nlng sa knila at sating lahat, sa ngaun im a solo parent of 5 kids, kapapanganak ko palang 14 days plang kmi,
Đọc thêmHindi pa ako napagalitan, pero madalas mapakialaman. Lahat ng kilos ko at mga ginagawa ko andaming nasasabi. Lalo pa sa pag-aalaga ko sa anak ko. Nakabukod naman kami ng asawa ko, pero madalas dumalaw yung mama niya kasi gusto makita ang apo. Ang sakit lang kasi alam kong pina-plastic nila ako. Kasi hindi sinasadyang nasabi ng isang family friend sa akin na ayaw sa akin ng mga magulang ng asawa ko, dalawang linggo bago kami ikasal. Sobrang sakit, hinayaan ko na lang, hindi naman sila ang makakasama ko sa buhay. Pero nung pinaramdam nila sa akin na hindi ako parte ng pamilya nila, parang dinurog yung puso ko. Sobra sobra ang sakit. Iniyak ko na lang.
Đọc thêmbyenan ko ang pinag sasabihan ko. lagi kong sinasabi sa kanila na iba ang palaki nila sa anak nila iba din ang palaki sakin. ngayon na mag asawa na kami hayaan nila kami kung papano nmin papalakihin anak namin. hindi ung papakialaman nila kami dahil dapat ganto dapat ganyan. kasi hindi nmn kami timang pra gumawa ng hindi ika bubuti ng anak nmin. walang masamang mag payo pero iba na ung makikialam na sila at gusto nila sila na ang masusunod.. ang resperto wala yan sa edad. nasa tao yan kung gusto mong repetuhin ka matuto ka din rumespeto. hindi ung idadahilan mo na mas matanda ka kaya dapat irespeto ka. Big No.
Đọc thêmThis is nice question.. In my case. Sobrang bait nila sakin from Day 1 na tumira kami sa bahay nila until mabuntis ako at manganak ako. Alagang alaga ako kahit mga kapatid ng Hubby ko mabait din. Kaya Sobrang thankful ko sa panginoon at sila ang naging in-laws ko. At swerte ng anak ko dahil blessed sya sa mga taong nakapaligid sa kanya. Medyo kairita lang talaga minsan ang mga father ng asawa ko matanda na kasi medyo tsismosa at bugnutin na. Pero tiis lang kasi nakikitira lang kami. Kaya by 2023 nagsabi na ako sa asawa ko na magrent nalang muna kami habang hindi pa ayos bahay namin.
Đọc thêmNot yet! ❤️ Thankful and super blessed ako sa byanan ko sobra yung pag care nila sa'kin. Tinatrato nila kong parang tunay na anak din. I'm pregnant now and talagang ayaw niya ako tumulong sa gawaing bahay even before pa naman. Lagi din tinatanong kung ano gusto kong ulam, yun ang masusunod basta may gusto akong kainin bibigay niya/nila. ☺️ Pati gamit ng baby ko halos ang biyanan kong babae at hipag ko ang gumagastos. Sobrang maalalahanin din nila kasi maselan ako nag buntis. Kaya sobrang thankful ako kasi naintindihan nila yung sitwasyun ko ngayon. 😇🙏🏻
Đọc thêmYes napagalitan at inichismis pa akong walang utak. 😅 hinayaan ko nalang kesa naman mabalot ng poot ang puso ko. After non nagsabi na ko sa hubby ko na magrerent na ako since ako yong may work smen. Sumama naman c hubby. Mas maganda talaga yong isang reyna sa isang bahay 😀. Ini-unfriend ko din sa facebook para iwas kalat 😆😂.
Đọc thêmhahahah... di naiiwasan yan sa mga byenan, byenan ko nga kakalabas pa lang ng baby ko puro pangungumpara na sinasabi sa anak ko ilan days pa lang naman naipanganak baby ko tas dinidiktahan pa ako na ganito yung diaper ganito yung gatas ang sarap sagutin na Hindi naman ako manghihingi sau ng pambili ahh. kaya lang nanahimik nalang ako. although alam ko naman na may nasasabi sila saken pagtalikod ko. actually ex ofw ako nung ofw paq mabait bait pa eh pero nung andto nako niha niho dina makakamusta, kung pwede lang mamili ng byenan ginawa ko na. hahahahaha
Đọc thêmhindi. wala naman kasing reason para pagalitan ako. saka ever since hindi ako nanghingi ng tulong na alagaan anak ko for the whole day. hangga't maaari kasi iniiwasan namin ng asawa ko na ipaalaga sa mga magulang namin yung anak namin, unless may pupuntahan kaming importante. hindi rin naman ako susumbatan na ganto ganyan kasi umpisa pa lang nagsikap na kami magasawa na wag na wag hihingi ng tulong financially sa magulang namin. kung may ibigay salamat, kung wala salamat din. kaya wala kaming alitan ng byenan ko simula't sapul. kaya thankful ako.
Đọc thêmNo. Mataas ang respeto saken ng mga byenan ko at husband ko. Parang sila ata ang malas saken😅 may pagkatamad kc ako. I remember nung nagaapartment pa kame ng husband ko malapit sa bhay nila, his mom would take our laundry. Dried and folded na pagbalik samen. Now that I'm pregnant, they always check on me and give lots of reminders to my husband on how to take good care of a pregnant woman. Very obvious qng saan ngmana sa kabaitan ang asawa ko. Kaya sana ibless kame ng husband ko s mga work namen pra mkabawi ma-treat nmn namen cla kahit minsan :)
Đọc thêm