Praning at 17 weeks
Napa-praning na ako. Palagi kasing nasakit puson ko at tagiliran, kagabi kinakabag ako. Baka kung ano na nangyayari kay baby ko. Di man lang ako makapagpa-check up dahil lockdown. Yung sakit ng puson ko kumbaga nakikiraan lang, nawawala din nmn after ilang minutes then babalik din. Parang tinutusok puson ko o kaya parang may umaalon-alon sa loob. Minsan para siyang pinipilipit pero mild lang. Madalas to after lunch time at sa gabi bago matulog. Wala naman akong bleeding. Yun lang talaga nararamdaman ko. Ano po sa tingin niyo?