takot na..
Namiscarriage aq kahapon.. ang sakit talaga mwala ang anghel q.. kaso di talaga pinalad.. nasabi q tuloy ayaw q ng magbuntis baka aasa ulit aq magka 2nd baby.. sakit talaga mas sakit pa sa damdamin kesa sa katawan ang mawalan ng supling sa sinapupunan.. #hearthbreak ??????
Wag ka mommy paghinaan ng loob, i lost my first baby girl last july 2019 tapos sabi ko rin sa sarili ko ayoko muna magbuntis muna,,, kasi baka wala baka di oarin ibigay...pero pagsapit ng december 2019 nalamn ko nq lng na 3months na akong buntis na di namin ineexpect, kasi nakaranas ako ng postpartum, puro negative lng iniisip ko iyak bigla ,pero ng malamn kung buntis ulit ako na di namin hiniling naramdaman ko sobrang saya.. Syempre iyak ,tapos tanong sa sarili ko kaya kona ba ulit handa naba ako ulit.. Sagot ng hubby ko .. Oo kaya natin kasi binigay yan sa atin ulit, kasi kaya natin' walang pagsubok na di mo malalampasan basta magtiwala kalang ngayon 26weeks and 5days na akong bungis so far ok namn malikot siya pagkinakausap namin ng sabay ng hubby ko nagpapabibo siya palagi lalo na pag nanonood ako ng kwentong pang bata, parang sobrang saya niya... Sana matapos na tong pinagdadaanan ng mundo para namn makalabas ng bahay at makahinga di ung lagi lang sa loob.. #pray is the best😇😇😇😇
Đọc thêmSis wag kang panghinaan ng loob. Same case tau, skn last year april12 na d&c ako. Actually 3 times nko nagparaspa dhil laging blighted ovum lumalabas. Sobrng takot din ako nun. Dahil excited na sa tuwing nagpapositive ang pt ko, nagstart nko na magbasa ng mga apps and natandaan ko ang Sb sa studies natural way ng katawan ntng mga babae na pag defective ang chromosomes ng pnagbubuntis ntn usually po nagmimiscarry na po within 1st trimester, ganun po nangyayari skn. Kya tuwing 1st trimester kabado ako kc un ang pnakadelikado. Salamat sa Ama kc ngaun naka 13wks nko onti nlng almost lampas na sa 1st trimester. Mjo nakakahinga na ng maluwag. Sau sis, pakatatag ka po. Mdm pang pdeng mangyari at kung loloobin ng Diyos na pagkalooban kau ng anak for sure mbbgyan na kau ng healthy na baby. 🙏
Đọc thêmwag ka mawalan ng pag asa sis :) Oo, after ng mga nangyare sayo totoong nkakatakot na ule mabuntis. Ako 2times na ako nakunan,isang 2months at isang 5months. Pero ngayon buntis na ako ule, nung una takot na takot tlaga ako nung nlaman ko na buntis na naman ako. Natatakot ako kase bka mwala na naman sia, pero mas pinangibabaw ko ung pananalig ko sa Diyos :) Dasal lang at siguro di pa tamang panahon date kaya nangyare, pero ngayon kine-claim ko na tlaga na samin na to :) And triple ingat din. May plano ang diyos satin sis, my mga dahilan bakit kinuha nia mga babies natin before pero magtiwala pa dn tayo skniya palage. Mas manaig ang tiwala at pananalig natin skanya :)
Đọc thêmDont loose hope mamsh.. Nabuntis ako 2011 21yo kami lang ni hubby my subchorionic hemorrghae since no help from fam, need namin mgwork but bedrest me.. In short di pa namin kaya nakunan ako.. Nkunan akondec 24 sobrang sakit.. Then sabi namin sundan na nmin kasi kaya na namin 2014 24 years old ako 26 si hubby however meron na nman hemorrhage but this time prepared na kami momsh.. So bedrest lang 1month and then ayun na tuloy2 na ingat lang tlaga.. Then now 2019 3rd pregnancy ko ayun ulit hemorrhage bedrest again.. So dont loose hope mamsh.. Ingat lang and prepare yourself lagi.. My purpose si God bakit satin nangyari yan..
Đọc thêmAko din mumshie nakunan din ako nung dec 28 lang...wala akong nagawa kundi umiyak sa isang tabi ayw ko din po kasi ipakita sa mga taong nakapaligid sakin na nasasaktan ako kasi i know na nasasaktan din sila..but now God gave me a blessing...im pregnant for 3 months kinakabahan na baka maulit uli ung nangyari but always akong nagprapray na sana wag na sana ibigay samin to... Na sana maging ok na lahat
Đọc thêmhi sis dont loose hope☺, kase ako 3x nakunan at 3x naraspa, ganyan din naisip ko nung huling kunan ko sabi ko sa sarili ko ayaw na kako😌, pero sa hindi inaasahang panahon bigla na ulit ako nabuntis going 36weeks pregnant nako now for my rainbow baby girl😍, pray lang sis at ipagkakaloob din ni lord sainyo mag asawa yang angel na hinihintay nyo.. wag ka magpaka stress sis pagaling ka agad😘
Đọc thêmNaku momsh ako nga ndi ako magkababy hirap ako dhil stress at pcos.. Pero nag work up ako with my ob. Sinacrifice ko lahat huminto akong magwork tapos nung nabuntis ako ayun puro medcert at d makapagwork.. Kaya mo yan bsta kapag alam mo nang buntis ka mag bed rest ka muna tapos regular check up..
Same here! I lost my baby last May 2019! He was admitted for 7 days kaso di talaga binigay sa amin. Ngayon we're expecting a rainbow baby. Natatakot na excited kami. Sana healthy baby na siya. Ang sakit mawalan ng anak para akong mababaliw. Araw-araw ko iniisip, daming what ifs. 😭😭😭
Sis, wag mawalan ng pag-asa. Last April, nagmiscarriage din ako. Months after, we only waited for 1 normal menstrual cycle then tried again. Got pregnant, again. Praise the Lord. 24 weeks na akoa ngayon. Always pray sis and follow OB's advice. ❤
Hintayin mo muna mamsh ng 1-2 weeks na delayed tsaka ka mag PT.
I lost mine too, last Nov. 2019 and now I'm pregnant again, 5weeks preggo. Panahon pa ng covid. And unplanned pa! Just pray lang po lagi. Masakit, pero you need to be strong. ✨ Btw, we named our baby "Heaven" I was 7W4D nun.
Got a bun in the oven