my pregnacy journey
Nalaman ko buntis ako 1 month and half lang si baby sa tiyan ko... Maaga ko din nalaman na mataas ang sugar ko... Sobrang hirap pag ang taas ng sugar, di makakain ng maayos, monitor palagi ang sugar, tusok dito tusok don pag check ng sugar sa meter... Yong maiiyak ka nalang kasi gusto mo kumain dahil gutom ka kaso need mo mag diet sobrang unti lang need kainin mag hapon. Pero fighting lang para sa anak... Nong third trimester na ko saka naman ako nainsulin kasi di na kinaya ng diet mahal gastos bayad sa Endocrinologist tapos insulin pa ang mahal mahal din... Pero still fighting for my baby para ma normal delivery... Sa wakas 38weeks and 3 days lumabas din baby ko safe and healthy. 3.5kg malaki pero nakaya kong i normal delivery... Mataas sugar pero nakaya pading i normal delivery... At di ako pinahirapan ng anak ko mag labor... 3hours lang halos ang nag labor... Pag ka admit admit ko sa hospital pumutok agad panubigan ko tapos deretso labor na ng 3hours ?. Kaya mga mommies dyan na kagaya ko na mataas ang sugar... Fighting lang...!!! Kaya yan para sa mga baby natin.