Advice po para samin please, thankyou.

Nakakalungkot lang wala akong malabasan ng nararamdaman ko, 17 years old po ako ngayon preggy po ako ng 18 weeks pero bakit nagawa akong pagtabuyan ng pamilya ko:< akala ko nung una sila makakaintindi sakin kase naranasan din nila magasawa ng maaga pero di pala. Sobrang lungkot ko wala akong nakakasama sa pagcheck up kahit jowa ko wala. Ang hirap pala mag isa pero para kay baby kinakaya ko, para kay baby gagawin ko lahat. Buti nalang may mga kaibigan akong anjan para magadvice sakin at nagdownload ako ng app na'to para makatulong sakin at para may malaman. Salamat sainyo mga mommy🤗 magiging okay din lahat sa ngayon happy muna dapat kase para di madamay si baby😁

15 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Normal lang po sa parents. Kasi ako 1st pregnancy ko 24 na ako, may stable work and income. Pero ung sibangot ng nanay ko everytime na nakikita niya ako, di talaga maipinta ang mukha. Tapos sa 2nd ko ganoon pa din. Tapos ngaun sa 3rd waaaaah ganoon pa din. Ung mukha niya feeling ko na sakanya mang gagaling ung ipambabayad ko sa panganganak at pag papakain ng mga anak ko. Deadma nalang ako. Ayaw ko pa kastress Sanayan nalang sa reaksyon ng mukha niya. Mahirap din kasi tanggapin para sa side ng parents na malaki ang expectations sa mga anak nila. 😁 Be happy, baby is a blessing gift from God

Đọc thêm

hayaan mo nalang siguro nag tampo sila kasi syempre bata kapa kung naranasan din pala nila bakit di mo ginawang aral diba, pero nandyan na yan atlis nagiging strong ka mag pray kalang gagabayan ka ng panginoon blessings yan matatangap din ng pamilya mo yan di pa sa ngayon pero malay natin diba kaya mo yan.

Đọc thêm

ganyan din ako akala ko di nila matatanggap pero natanggap din nila magulang mo sila kaya matatanggap din nila yan siguro masyado pa maaga at na disappoint mo sila kaya fight Lang momsh wag ka malungkot baka malungkot din si baby sooner or later matutuwa din sila kasi makikita nila yung apo nila🥰🙏

nako momsh hirap ng sitwasyon mo for sure nagaaral kapa. Mahirap ngayon lalot nagasawa ka ng maaga san mo kukunin pang gastos mo unang una. pero andyan kana sa sitwasyon na yan be strong nalang.... kayanin mo, emotinal, physical lalo na financial mahal mag kababy sis lalo kung single parent kapa.

it's normal that they will get mad for what you did. but sooner or later, matatanggap din nila yan kasi blessing yan eh. lalo pag nakita na nila baby mo. for now, wag ka muna paka stress kasi what you feel now is what your baby feels inside your tummy. take care always mamsh and godbless 😊

Mejo mahirap yan para sa parents mo dahil bata ka pa talaga para mabuntis. Pero naniniwala ko di ka nila pababayaan at di ka nila matitiis. Tanggapin mo ano man sabihin nila, dahil may karapatan pa sila pagsabihan ka. Pero mahal ka ng magulang mo, at sila pa rin ang sasalo sa'yo sa dulo 🙂

Thành viên VIP

normal lng po yan na papagalitan ka tlga ng mgulang mo ksi ang bata mo pa,bka mdami pang pngarap para sau mga magulang mo, pero i'm sure d ka nila matitiis ,bgyan mo lng sila ng time na mtanggap yung ngyayare,

palipasin mo muna hindi ka matitiis ng mag magulang mo siguro nabigla lang sila walang magulang natiis ang anak naging ganyan din ako basta alagaan mo lang ang sarli mo

pag lumabas na si baby matatanggap ka din nila , remember walang magulang kayang tiisin anak nila.Cheer up mamsh wag mag paka stress para heathy si baby

Think positive lang mommy. Bawal stress. Kaya mo yan. Malalampasan mo po yan tiwala lang. Pray lang kay papa god.