17 Các câu trả lời
ganyan madalas na sinasabi sakin ng mga kasama ko dito sa bahay e ang hirap shemss ang dami nilang pinag babawal na malayo naman sa katotohanan. yung lola ko pa na kapitbahay namin pinagsabihan ako na bawal daw na taklob ako ng taklob ng tuwalya kahit maaga pa kasi masama daw kesyo tulad daw sa anak nyang buntis na yung baby sa loob napilipit daw yung pusod sa leeg. e nagtataklob lang naman ako pag lumalabas o bibili kasi hindi na ako nag ba-bra mga sis syempre nakakahiya diba. isa pa tong asawa ko imbis na sya sana ang kakampi ko naniniwala din sya sa matatanda🤦♀️. nakaka pressure silaa. ang init init pa naman ng panahon tapos pati malamig na tubig bawal daw! 😫 hindi nyo naman ako masisisi kung bakit hindi ko sila maconvince na wag akong pakialaman dahil at the first place naman aware na ako sa mga TOTOONG bawal sa buntis. sadyang di lang talaga mawala yung respeto ko dahil matatanda na rin sila.
sabi po ni OB ko hindi. 😅. ang init kasi ngayon di ko mapigil di uminom na malamig. kaya pag sasabihan ako ng in laws ko na dapat di uminom ng malamig kung gusto kong normal ko mailabas si baby at hindi cs, sinasabi ko na lang sabi naman ni OB di naman po totoo yun. mananahimik na lang sila. 😅.
hindi po , ako po kakagising ko lang sa morning gusto ko po agad malamig na water kasi sobrang po init , malaki yung baby ko sabi nung ob ko last checkup ko its because sa rice and sweets daw po yan kasii kahiligan ko then ang takaw ko po sa rice , don daw po nakakalaki ang baby hope naka help.💜
Based on my experience sa 1st born ko mahilig ako sa malamig. Anmum strawberry tapos nilalagyan ko yelo everyday yon kapag dumuduty ako. Ngayon sa 2nd baby nahilig din ako sa malalamig dahil sobrang init, lumabas si baby ng 2.4kg sweets at rice po ang dapat nyong i-less.
ndi pero sabi ng mga inlaws nkkalaki daw. pero sa expert ako nani2wala . pamahiin pa ng mga mattanda yan . . dun tayu sa expert . ndi dun sa dunong dunungan.
debunked na po yan ng mga doctor hindi nakaka cause ng paglaki ng bata ang malamig na water mas okay pa nga daw yun kasi mas madami water intake kapag malamig
No po. Walang fat content ang tubig po. Ako po nung buntis puro malamig na tubig po. Paglabas po ng baby ko 2. 7kgs lang
hindi po nakakalaki ng baby ang tubig na malamig sabi ng ob ko ang nakakalaki daw po is rice and matatamis
hindi nmn ako numg buntis ako hindi pede hindi malamig iniinom ko...pero normal nmn weight ni baby
Hindi po. Mahilig po ako sa malamig lalo ngayon at mainit ang panahon, di naman po malaki baby ko.