14 Các câu trả lời
Alam nyo na po palang cs kayo, bakit po nag ipon? Mahal manganak ngayon kasi kasama sa bill ang PPE na gagamitin. Sa private ang dating 75k na CS eh umaabot ng 140k ngayon. Hindi nyo po masisisi ang gobyernong ospital kung emergency lang ang tinatanggap nila dahil kulang po sa manpower, nakaskeletal force po ang ilan sa mga hospital. Kumbaga ang dating 10 nakaassign sa paanakan ay maaraning 3 nalang. Magfile po kayo ng indigency para makalibre kayo.
Cs ako sa dalawang baby ko.. Yong first baby ko sa private hospital ako na Cs.. Gumastos ako ng 60k plus... Sa second baby ko naCS nmn ako nong June 11,2020..sa Public ospital ako...Dahil nga sa. Pandemic walang naubos ang upon kaya sa Public ako nanganak.. OK nmn sa Public ospital dto sa amin.. NO BILLING ako paglabas..kung malapit ka lng sana Don ka nlng sa Ospital San ako nanganak..
Saan ka Pangasinan Sissy?
Stressful nga yan. Pero, kung iisipin mo mommy, 40k lang singil sa 'yo. I'm about to give birth din, 120k ang pinapahanda sa akin. Malaking difference ang price ni private hospital mo compared sa ibang private hospitals around. Kaya niyo yan mommy. Wag susuko.
In my case po, pinaghahanda na ako ng OB ko 40k-45k CS+ligate po. Private hospital here in Angeles City. Mura na po pala sya ano.
dapat po nag prenatal din po kayu sa healthcenter niyo po para tulad nang ganyan pwede kayu e refer ni health center sa public hospital tatangapin kani public hospital anytime kasi nakarefer ka ni health center . . atleast yung ganun may back up plan kana . .
dapat nag sabi kana dun sa healthcenter na ganyan cs ka pala dapat sa kanila ka nag pa schedule at sila na mag refer sayu sa public hospital
May reason kung bakit emergency cs lang cater nila. Hindi naman sa dahil Gusto nila eh 50/50 na. Ang scheduled cs kasi ay para don sa mga may complications talaga, and may mums na maaga palang lumilitaw na yon kaya scheduled sila.
kaya nga sis ei. sana hndi na nagkapandemic para hndi nagastos ung ipon at hndi namomroblema ng ganito
Schedule cs po kayo, d po ba kayo pwede magpahelp sa ob mo? And honestly po mura na yung 40k, akin po 100k binayaran kasali na kaltas sa philhealth, pray po may awa ang diyos, God bless
sa 100k lahat un kaltas sa philhealth? di n kau ng cash pa?
Kahit wala pa yung pandemic yan din bill ko sa CS last year. Wala po ba kayong philhealth? Malaki kasi bawas nyan saking bill. Nakalahati din tulong nila..
may philhealth ako sis kababayad ko nga lang ei 😢 yung perang nilalaan namin unti unting nauubos 😢
bakit ganun sis, di ba pag scheduled CS dapat si OB mo mismo magpapa-schedule sayo kung san hospital sya naka-assign? curious lang...
i see...kaya pala. mas safe nga po sa private hospital sa panahon ngaun. hopefully, maayos na finances nyo 🙏🏻
ang mura po ng singil sainyo sa private buti pa jan..dito 100k kaltas na ang philhealth pero di pa kasama ang bata..
Ako nga po normal delivery pero inabot ng 103k ang bill namin, 2 days lang po kami sa hospital nyan ha.
jasmine melliza