TAMA BANG MAINIS AT MAGALIT AKO?

Naka centralized aircon ang bahay namin at 4 months akong pregnant. Yung kuya ko kahit may aircon nagyoyosi sa loob ng bahay namin at nagpipintura pa minsan. Hindi ko alam kung nasan ang utak non. Masama ba na magreklamo ako? Di talaga ako makahinga sa amoy, isa pa sobrang worry ako dahil alam ko ang risk nung chemical na nasisinghot para sa anak ko na pinagbubuntis. Nagreklamo ako sa mama ko pero sya pa ang nagalit sakin. Sobrang nawoworry ako para sa kalusugan ng anak ko . Iniisip ko lagi na baka maapektuhan o magkadefect ang anak ko. Naiiyak ako kasi kahit ang alaga ko sa katawan para sa anak ko pero wala akong magawa para maproteksyunan sya para sa walang konsiderasyon kong kapatid at nanay ??

31 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Labas kana lang muna mamsh pag nagyoyosi, tapos kung nagpipintura pa makitira ka muna sa asawa mo??? Or sa iba pag wala na amoy chaka ka bumalik. Sila pa galit naku.

Thành viên VIP

gamyan din tatay ko. ilang beses pa umiulit na magpintura at mag ayos ng kung ano ano ma di pwede sakin.. sasabihin lang ayawnko daw ba ng amoy. jusq di makaramdam

Kung kaya mo pong bumukod, bukod ka nalang kesa antayin mo pa silang magkaroin ng pakealam sayo kasi kawawa kayo ni baby pano pa pag nakapanganak ka na?

Thành viên VIP

You all have the reasons to get mad mamshie kasi health ni baby ang concern diyan. Nakakainis naman yan kasi kadugo mo pa mismo ang din makaunawa 😔

Alis ka na jan. Delikado din yosi pag labas ni baby. Wala silang consideration. Alis ka nalang. Ang lagi mo lang iisipin yung kapakanan ni baby :)

ikaw na lang umiwas kung hnd mapag sabihan kasi kawawa naman ang baby di sila makaintindi hirap kaya makaamoy nang ganyan lalo na sa baby. haist

Bumukod na kayo ng asawa mo bago pa lumabas baby mo.. mas nakakasad if lumabas na yan tapos ganyang environment ang uuwian.

Thành viên VIP

magmask ka na lng po or pag nagyoyosi xa magkulong kn lng s kwarto or lumabas k ng bahay... masama po ang usok ng yosi

grabe naman, dapat given na bawal maka amoy ang buntis ng usok ng yosi sila pa galit.. tama lang na nagalit ka..

Na try mo na po ba kausapin kuya mo. If ever na ayaw nila ikaw na lang po umalis. Bumukod na ba kayo ng asawa mo