Seeking advice(Please don't judge)

Mga momshies, gsto ko lang sana mag seek ng advice, hindi ko na kasi alam yung dpat kong gawin. Sobrang stressful at napaka hirap wala din kasi nkakaintindi sakin sa family ko, palagi nalang nila ko sinisisi sa nangyri. So eto nnga yun, may naging boyfriend kasi ako. Una alam ko married na sya, at magddivorce dpat kaso hndi natuloy dahil dun sa kagustuhan ng both families nila.. Tapos ang alam ko din 1 lang anak nya, hanggang sa nabisto ko nalang na may anak pa pala syang isa. So 2 ung anak nya. Wala nakong magawa kasi nabuntis na ako eh, halos lahat pla ng sinabi nya sakin kasinungalingan, Ngyon gsto ko sana ipaalam dun sa kapatid nya na may anak sya sakin kasi ang nagging labas e parang binabalewala na nya kmi ng anak ko, halos pati sustento nanlilimos pa ako sknya. Tama ba ipaalam ko dun sa kapatid nya na may anak din sya sakin? Please. Try to help me sobrang gulo ng isip ko, nagpapakasaya sya dun samantalang kami ng anak ko nahihirapan, gsto nyang itago habang buhay ung anak ko ???

21 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

This is my own opinion lng ha.. sana b4 ka nakipg relasyon hinintay mo muna annulment nla bago ka pumayag na maging kau. Pansin ko sa mga nagkkwento dto na gnyan sitwasyon un mga may wife na mga lalaki mas sweet sila, mas marami silang promises at tlgng mgaling sila mag acting pra maloko nila un girl, at un girl nmn paniwalng paniwala kya kht na knows na ndi mna dpt pmasok sa gnn sitwasyon gngwa pdin kya after ma preggy pinapabyaan na lng... im sorry for being harsh sis pero kaslanan mo yan e nagpadala ka sa bola.. un mga gnyan ksi klase ng lalaki na mhilig manloko ng mga babae yan un mga ndi tlg tunay na lalaki ksi ndi nla kya harapin un mga dpt responsibility nla.. pde knmn mghabol ksi may anak kau pero xpect mo na mggng magulo lht, worst to come kyang kya ka idemanda ng wife pag gugustuhin nya. Ndi sapat na dhilan mgdedevorse dpt sila kso ndi natuloy. And mlking proof na she can use pra idemanda kau ng husband nya dhl may baby kau..

Đọc thêm
5y trước

As far as I know entitled aq sbhn kng ano man opinion ko since nsa public forum tau, girl. And nanghingi sya ng opinion sa public forum so definately iba iba opinion iba iba din masasabi. Kht pa cnbe nya "don't judge."

ate..ako kasi kasal din, so di ko mabigay fully yun support sayo kasi unang una..alam mong kasal yun lalaki, khit pa sabihin na hihiwalayan kuno, since hindi p tlaga sila settled, ikaw ang lumalabas na naninira..malay mo wala nmn tlga sila issue, gawa2 lng din ng guy un kya nga ayaw nya paalam? pangalawa, kpag ikaw p pumunta dun, dehado ka kasi kasal yun eh! pwdeng pwde ka kasuhan nun legal wife, bukod dun, laking eskandalo nyan...cgro kung ako sa sitwasyon mo, mananahimik nlang ako, tanggapin ko nlang niloko ako..buhayin ko mag-isa anak ko kesa manlimos ako ng sustento..kahit un nlang itira ko sa sarili ko, paninindigan, tutal mukha nmn wala interes un guy sa baby nyo..un lang..

Đọc thêm

same senario po, my naging bf akong my dalawang anak at hiwalay na sila ng asawa nya pero hindi pa legally hiwalay ( Pero pinaghahandaan nya na yung annulment nila ) and nabuntis nya ako, pero magkaiba naman sila ng bf mo, ang akin naman hindi sya tanggap ng magulang ko at simula nung nalaman nila na ang nakabuntis sakin eh my asawa, sinabi na sakin na putulin na ang connection ko saknya, pero si guy tong ayaw parin maputol, he's willing to give money for my needs sa check up lahat pero parents ko na ang umaayaw. Mahirap sis, pero pinasok na naten to, kailangan nlang naten magpakatatag for our baby. Nagmahal lang tayo, pero sa maling tao nga lang. 😊 #RESPECT.

Đọc thêm
5y trước

Same senario din aq my naging bf din aq, ang pakilala nya skn binata xa' nlaman ku na my aswa pla xa e buntis na aq, ang hrap diko alam kng ano gagawin ku. Ba't no choice buo na ang baby, tuloy pdin ang buhay. Nung kinumpront2 ku xa' ska lng nya snbi skn na totoo na my aswa xa, masakit dahil mula 1mont ang tyan ku dina xa ngpakita skn. Ngaun kabuwanan kuna. I pray to gOd na sna wag nya kmi pbabayaan ng anak ko.

Pwede k lumapit sa police station for VAWC Kasi wla siya suporta sa anak niyo. Kung sakaling mag sampa Ng kaso legal wife sa asawa Niya for concubinage Ang magging parusa sa kabit na babae ay Hindi mo Pwede lapitan Yung lalaki at certain distance. Pwede mo din Po basahin or bka kulang lng nabasa ko. Parusahan mo yang makating laalki n sinungaling n Yan.. yaan mong sumakit ulo Niya. Ikaw nag hihirap tpos siya mang bibiktima p Ng iba. And next time wag mo n uulitin ah.. madami talaga manlolokong lalaki kaya kilalanin mo pong mabuti. Para d k din Po nabibiktima..

Đọc thêm

Nanjan na yan so useless na kung sisisihin pa na kasi bat ka pumatol sa may asawa? Anyway may karapatan ka pa ring manghingi ng sustento dahil at the end of the day anak nya yan. So I'd suggest ipaalam mo. Lalo na mahirap ang buhay ngayon it will be very difficult for you na suportahan ang baby mo mag-isa kung isa ka sa naapektuhan masyado ng pandemic. If they refuse sampahan mo ng kaso na RA 9262 VAWC. Lulunukin mo nga lang lahat ng pangungutya ng ibang makakaalam. Basta ang importante masuportahan ang baby mo. Un na lang isipin mo.

Đọc thêm

alam ba ng asawa nya na nabuntis ka nya? kasi legally speaking, kung magsasampa ng kaso si legal wife,pwede kayo makulong parehas kasi yang pinagbubuntis mo ang ebidensya nya.since d pa napapanganak yung baby niyo, hndi pa gamit ng baby mo yung apelyido ng partner mo, mejo wala kang habol kahit sustento.ang maganda nian,idaan sa maayos na paraan,kung ipaalam sa kapatid nya ang way,ok lang naman siguru para mag.usapan ng maayos ang mangyayari sa sustento. yan po kasi mahirap ang makipagrelasyon sa may asawa.dame tlga consequences.

Đọc thêm

sis, kung ako ang nasa kalagayan mo ay sa Dios ako dudulog. ang Dios ang unahin mong hingan ng tulong bago ang tao. maniwala ka sa akin kapag naiiyak mo na sa Dios iyan ay giginhawa ang pakiramdam mo ay magkakaroon ka ng wisdom kung ano ang dapat mong gawin. hindi magagawa ng tao ang magagawa ng Dios. hindi ka nagiisa, maraming may situation ng tulad sa iyo pero hindi naman sila pinabayaan ng Dios dahil nakaraos sila at naging blessing pa sa kanila ang naging anak nila. may awa ang Dios.

Đọc thêm
Thành viên VIP

Pag naghabol ka ng sustento.. At kinasuhan siya or whatever.. Ikaw din lang kawawa. Why? Alam mong kasal siya eh.. at hindi pa siya completely separated sa asawa niya. Kung ako sayo. Isarili mo na lang yang pagbubuntis mo. Kayanin mo yang pinasok mo na gulo. Kasi baka malaman ng original na asawa, pwede ka nun kasuhan.. makuling pa kayong dalawa. 🤦‍♀️

Đọc thêm
5y trước

Yun nga, may sustento, hindi yung walang laban sus.

For me sis ha, dapat lng nila malaman kasi dugo din nila yang dinadala mo,kung anong attention at sustento ang binibigay nya sa ibang mga anak nya dapat ganun din sa magiging anak nya sayo, wlang kinalaman yung Baby.. Kung d ka man nya papanagutan kahit sustento nlng sa mgging Baby ninyo,kasi in the first place pinaniwala ka lng nya sa mga kasinungalingan nya..

Đọc thêm

pwede mo naman sabihin sa kapatid nya yan karapatan ng anak mo yung sustento..mlamang di rin alam ng asawa nya na may kayo kaya gusto nyng itago yang bata pag nagkaso yung asawa damay ka lalo na nabuntis ka pero pwede ka din magkaso dun sa lalaking nakabuntis sayo kasi napapabayaan na yung anak mo.ayaw nya makulong kaya itago nya nalang yung bata.

Đọc thêm