hello mamsh, I know it's hard and very frustrating lalo na kapag di natin sila agad mapatahan. Noong nasa phase kami na ganyan, sabe ng pedia ko non while checking the baby "I'm sorry mommy, I am still adjusting to the new world. We are both adjusting.". Narealize ko na oo nga hindi lang pala ako ung nag a adjust, hindi lang pala ako ung nahihirapan. Nahihirapan din si baby dahil bago din lahat sa kanya, ung paligid nya, ung ingay, ung liwanag, ibang-iba sa mundo nya noong nasa loob pa sya ng tyan at hindi nya iyon naiintindihan. The only safe and comfortable place for them is in our arms, kapag cuddle natin sila, hinahanap hanap nila ung warmth nung nasa sinapupunan pa and crying is their means to communicate 😊 Meron din tinatawag na growth spurt kung saan mas fuzzy si baby, mas mag de demand ng dede at yakap but it will pass po, believe me makakayanan mo iyan. Alam ko mahal mo ang baby mo, napupuno ka lang ng negative thoughts and emotions, if you feel like crying iiyak mo lang. Kung kailangan mo ng malalabasan ng nararamdaman talk to friends, or your parents. Kailangan nyo din pag usapan yan ng mister mo po, you need to communicate, tell him na sana mas mahabaan pa nya pasensya at pang unawa sayo. If you need medical help, do not be ashamed to seek or consult dr po..and remember to pray. 💕
Anonymous