Ano ang gusto mo matutunan pagdating sa usapang pinansyal?

Nais mo bang magpalaki ng anak na wais pagdating sa paghahandle ng pera? Mag comment at maaari kang manalo ng freebies mula sa Saffi Squirrel!

Ano ang gusto mo matutunan pagdating sa usapang pinansyal?
198 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Influencer của TAP

Budgeting! Bilang nanay, super challenging ang pagbabudget sa araw araw. Nais kong matutunan paano gumawa ng monthly or annual budget na madaling sundan. Mga tips pano maensure na may savings pa din na matitira at mailalaan para sa kinabukasan ng aming anak, para sa emergency situations, at para sa iba png gastusin sa hinaharap. Sa panahon ngayon, mas maigi na na may naitatabi tayong pera para sa mga ganitong sitwasyon.

Đọc thêm
Thành viên VIP

Yes mahalagang maexpose sa financial literacy ang mga bata. Gusto Kong matutunan nila yung importance ng pera not just to purchase what they want but also yung how it was acquired para at a young age naiintndihan nila yung process of obtaining money so they would use it wisely. maiintndihan Nila ang importance ng pag prioritize ng needs vs wants. Going Back to the basics ng acquiring, spending and saving or investing.

Đọc thêm

Nais kong mapalaki ang aking anak na maging marunong at maalam sa paghahandle ng pera. Nais kong matutunan nya na bawat halaga ng pera ay pinaghihirapang kitain ng sa ganun ay matutunan nya kung paano ito gamitin at i-budget. Nais ko din na habang bata pa sya ay magkaroon na sya ng disiplina sa mga bagay na kinakailangan o hindi kinakailangang pagkagastusan. Nais ko din na matutunan nya ang kahalagahan ng pagiimpok.

Đọc thêm
Thành viên VIP

mahalaga ang financial literacy at personal finance sa buhay ng isang tao lalo na't tayo ay nasa panahon ng krisis at bear market. Para sa akin, mas maigi matutunan ng maaga ng bata ang kaibhan ng Needs at Wants sa murang edad. Bukod dito, mahalaga din para sakin na alam ng aking anak na buo ang aking suporta para saknyang mga pangarap. kaya ito ang top 2 books ko. 1 Renee's Ginormous Bag 2 Mattina Dreams Big

Đọc thêm
Thành viên VIP

Gusto kong matutunan paano ituro sa aking anak ang Financial Literacy. Napractice ko na kasi na mai-share sa kapwa ko Nanay ang Financial Literacy, pero parang laging mahirap para sa bata. Pinapakita ko sa kanya paano magtipid at itituro ko din sa kanya. Pero alam ko, lagi akong mas marami pang matutunan sa mga libro at sa ibang tao. Gusto ko pang mas matuto para maibahagi ko din ang aking kaalaman. ❤️

Đọc thêm

We don’t have rich parents. And as now parents, we are trying to be responsible adults whom our child will follow. No one taught us about financial literacy at school and it is something that is really useful and essential in our life. I wanted to be financially literate in how to earn money, delayed gratification, getting out of debt, saving and investing. Not just by theories but also by action.

Đọc thêm

#Wais Nanays & tatays Ako iisa lang po Ang gusto ko matutunan sa panahon ngayon Ang maging wais pinansyal dahil naranasan ko Ang paghihirap nung panahon na nanganak ako sa panganay ko,Gusto ko Po magkkaroon Ng kaalaman sa pagbubudget pinansyal para sa kinabukasan Ng aking mga anak Ng sa ganun Hindi kona ulit maranasan ang aking naging karanasan,sana mapili po ako,salamat🙏😊♥️♥️♥️

Đọc thêm
Thành viên VIP

Due to pandemic marami talagang natamaan na negosyo, at isa na kami doon. Pagiging wais at matipid ang kakapitan natin para mapagkasya kung ano ang kinikita natin ngayon. Lalo na at matumal pa rin ang iba negosyo... i join to win here kasi para mas ma widen ung knowledge ko in budgeting and also sa pagiging wais sa lahat lalo na at may baby nako, madami ng gastusin talaga kaya dapat maging matipid

Đọc thêm

yes. gusto ko matutunan ng aking baby habang siya ay papalaki na kailangan nya maging wais sa pera lalo na ngayon kailangan na bawat kilos mo ay naka budget. kasi hindi ang mga bilihin ngayon e hindi naman pababa ang presyo halos lahat pataas. Habang lumalaki ang baby ko gusto ko na malaman nya na kailangan magbudget para kahit papaano kumpleto lahat ng needs at essential tsaka mas makakatipid.

Đọc thêm

oo, dahil importante ito sa araw2 na pamumuhay.. mas mainam na matutunan ng ating anak paano ang tamang paggamit ng pera. kung ano ang mahalagang unahin na bilhin kesa sa mga gusto lamang.. dahil naranasan ko noon bata ako na walang wala kami. at ayaw kong maranasan nya ule yon. tuturuan siya kung pano magimpok ng pera at kung san lang ito dapat maaring gamitin. be wise sa paggamit ng pera.

Đọc thêm