Pera
Nag aaway ba kayo ng asawa mo pagdating sa pera? Bakit?
Nung bagong kasal kami YES. Dahil sa biyenan ko kaya kami nag aaway. Kasi panay hingi. Buti sana pinabayaan ni mister eh may allotment naman na 10k every month pero pag nakabakasyon si mister, hingi ng hingi. Pag hindi napapagbigyan, nagpaparinig sa FB o kaya dinadaan sa iyak si mister. Ito naman si mister na isang marupok, binibigyan nalang nanay niya para walang gulo, ang ending, kami yung na shoshort yung bugdet tapos pag kami naman nanghihiram sa biyenan ko, kahit piso di nagbibigay. 2 years kong tiniis yun, majority ng away namin dahil sa nanay nya talaga, to the point na makikipaghiwalay na ako sa kanya kasi feeling ko di pa sya naka graduate sa mga respinsibilidad nya sa nanay nya. Ang akin lang naman, pag nakabakasyon si mister eh sana wag sila hingi ng hingi kasi personal savings namin yun eh, total pag nasa barko naman si mister, may allotment naman silang 10k. Kaya nung nabuntis ako this year, ANG LAKI NG PINAGBAGO NI MISTER HAHAHA. Kahit iniyakan siya ng nanay niya kasi uutang na naman, sabi ni mister na may anak na kaming pinag iipunan nya baka daw kasi maubusan kami ng pera at di naman daw kami makakahiram sa kanila. Ayun, tiklop si mother dear. Ang laki ng pinagbago nya talaga, at dahil dun, never na kami nag aaway sa pera. Ayan oh shared post ng nanay niya as in now lang, JULY 17, 2020 dahil uutang na naman pero di pinagbigyan ni mister dahil kabuwanan ko na, currently 36 weeks pregnant hahaha
Đọc thêmhindi po, pro nung tumira dto yung nanay nya nku naging problema po nmin...paano po ksi yung nanay nya hindi makuntento at hindi mapakali pag walang hawak na pera "gusto ko bumili ng gnito gusto ko bumili ng gnun" lagi yun panay hingi ehh alam nman nya yung sinasahod nmin dto sa com.shop sapat lng sa pag kain sa araw araw...ang nakakainis po ksi pag gnung ng hihingi yung nanay nya napapraning yung partner ko kesyo " ibenta ko na lng yung kidney ko" kung alam ko mag kakaganyan kyo di sana nag abroad na lng ako" edi wow!! wapak ang drama nkakairita!! tpos akong na nanahimik madadamay ehh ni minsan hindi nga ako humihingi sa kanya ng khit ano nung mag jowa pa lng kmi ako lahat gumagastos sa mga lakad nmin, outing, date bili ng mga gamit nya mula ulo mukha syang paa😆 nakakaloka sya sumasakit yung bangzz ko😬😣pasensya na po ahh...hindi po ako nang aaway...wala ksi ako mapag sabihan ng sama ng loob ko kya dto ko na lng nilalabas...ksi pag sa kanya ko cbnabi ako pa yung lalabas na mali...nasaan ang hustisya dun 😢😣😤 by the way po wala na po pla dto yung nanay nya...back to normal na ulit sya (abnormal sya pag nandto yung nanay nya)😅 sana wag na syang bumalik ksi sakit tlaga sya sa ulo😧😥
Đọc thêmno, kasi bago kami magpakasal..sabi ko talaga sa kanya. ayaw ko na mag away kami dahil lang sa pera.. kasi na oobserve ko kasi na ang pera ay pwedeng magdulot nang paghihiwalay at pagka burn out. kaya kahit minsan sinusubok talaga kami at walang wala.. ang ginagawa nalang namin..ay humanap ng paraan..para kasi sa akin hindi solusyon yung pag aaway pagwalang pera o anu pinag gastosan.. ang solusyon ay hanapan ito nang paraan.. blessed naman ako sa hubby ko kasi nga maparaan at hindi niya binubuntong sa akin pag uminit ulo niya pag wala kaming pera. kasi nga pag walang pera tas maykailangan kang bayaran or bilhin.nakaka init din naman yun nang ulo. minsan ako din nakakalungkot talaga pag walang pera. pero hindi ko sa kanya binubuntong yung init nang ulo ko, pag uusapan lang namin yun kung ano gawin namin para masolusyonan.. mas importante sa amin e preserve yung love namin kisa mag away sa mga ganyang bagay.. ang pera kasi nakikita lang yan, pero pag ang tao na burn out kasi lagi kayong nag aaway. ang hirap ibalik pag na fall out of love na.
Đọc thêmMinsan pinag aawayan namin kasi akala nya ako na lahat ang sagot sa gastusin sa bahay may sariling bahay kami pero nakatira lahat dito sa pamilya ko madalas yun din pinag aawayan namin nagpatayo nga daw sya para sa pamilya namin hindi para sa lahat okay lang daw kung libot libot lang hindi yung ti2ra na pala dito pero dahil pamilya ko nga hindi ko mahindian kaso nakakasakal din pala talaga yung magkakasama kayo sa bahay tapos pare pareho kayong umaasa lang sa sahod ng asawa ko at ng papa ng mga kapatid ko kaya akala ng asawa ko sakin lahat dahil halos wala nati2ra para samin mag iina madalas kami magtalo pagdating sa bagay na yan tinatanggap ko nalang lahat ng sermon nya kasi kasalanan ko din naman ngayon hirap nako parang kami pa ang nakikitira di magawa lahat ng gusto laging may namumuna laging may nakikialam tuwing may away o problema kaming mag asawa
Đọc thêmwhy do you allow your family to do that to your husband and to you?
Kami Yes, masyado kaseng maipit sa pera hubby ko. Pag alam nyang may pera ka hindi na siya magbibigay ng budget pangkain ikaw nalang hanggang maubusan ka paghihingi ka na magagalit pa pero panay bili ng gusto nya. Tsaka pag nagbigay siya ng budget akala mo nabili na nya kaluluwa mo 😭 Nakakainis lang siya magsalita kaya kahit buntis ako at ecq gusto ko man tumigil hindi ko kase matiis na walang hawak na kahit ano. Tulad nung ecq sa kanya lang sahod nya tas ung budget sa pagkain sa akin hanggang walang wala na talaga tas siya nakabili pa ng cellphone kahit pandemic 😢 Sana all walang issue sa pera. 😭
Đọc thêmD naman maiiwasan ang d pag aawayan ang pagdating sa pera.. Kmi minsan nagtatalo kmi😄,pero lahat ng sahod binibigay nya naman sakin ,pero may pera namn sya sarili nya kc sumasideline sya,kaya ako to c ano eh😂,,sya padin pinapagastos ko dto minsan sa bahay😂kaya naiinis sya minsan pero pabiro lang😄 Pero kahit may pera sya sarili,binibigyan ko parin sya ng allowance nya everyday😊un nga lang binibili nya ng pasalubong samin pag uwi nya galing work.😂😊☺tas nung nlaman nya khapon na may ipon pla ako,tuwang tuwa sya😄akala nya kc nauubos pera nya tuwing sahod😊tipid kc ako momsh...
Đọc thêmSamin lang ba naiiba 😳 Never ako nag hawak ng money namin, si hubby rin yung nag tratrabaho for us. But we never fight over money. Wala man akong sariling pera, but lagi niya nilalagyan ng money yung atm ko. Never siya nag question about sa pinaggastusan ko even mag shopping ako ok lang but siempre matipid ako i know how hard to earn money. And even may laman atm ko, lagi pa rin niya ako binibigyan ng allowance. Super lucky ako kay hubby ko. Hindi man kami mayaman. Pero never niya ako sinusumbatan. I help him with his business naman. ❤️❤️❤️
Đọc thêmYes. Laging yan ang pinag aawayan namin. Nakakalungkot lang kase iba pala ugali nya pagdating sa pera. Mahilig syang magpabili ng kung anu-ano sakin pero ako never nya akong nabilhan ng kahit na ano. Ngayong manganganak na ako, wala daw syang pera, pero nabasa ko na magreregalo sya sa pamangkin ng nya ng tshirt worth 700 pesos. Nakakainis lang. Hindi nya alam responsibilities nya. Nasanay sya na lagi ko syang sinasalo pag walang wala sya kaya ang ending, ako yung maraming utang.
Đọc thêmLahat kc ng sahod n hubby na pupunta saakin.. Pero pinag usapan nmin kapag nag hihingi ang parents.. Nya minsan kausap kuna parents nya about sa pera papaalam k nlang sa Kanya kung OK Lang na Mag Padala kmi sa kanila ng pera... Never kmi nag aaway sa pera kahit cguro stressed n sya sa kakaisip kung saan kmi kukuha ng dag dag...pang Gastos pang uwi namin sa kanila... Hindi ko nkita s knya n nag reklamo sya saakin... Ang swerte Ko sa knya
Đọc thêmDati oo, ung pamilya nya kasi lahat iasa s asawa ko khit pamilyado na. So lage kmi gipit dahil ultimo pangbili damit, pambayad field trip, pang handa s bday at kung ano2 pang handaan e nahinge s asawa ko. ndi marunong mag tiis kung wala ed wala. but now ok n kmi madami din kmi away napag daanan bago kmi naging ok s money matter na yan. Hindi sa pagdadamot s magulang yan but if my sobra we can give but please wag nmn Sana ugaliin n iasa n halos lahat 🤪
Đọc thêm
Hoping for a child