Ano ang gusto mo matutunan pagdating sa usapang pinansyal?
Nais mo bang magpalaki ng anak na wais pagdating sa paghahandle ng pera? Mag comment at maaari kang manalo ng freebies mula sa Saffi Squirrel!
Ang gusto kong matutunan pag dating sa pera o financial literacy ay ang tamang pag bubudget bilang first time parent. Lalo at nag sisimula pa lang kami, sana ay matutunan namin ang pinaka swak na option para sa amin dahil naniniwala ako na meron tayong kanya kanyang paraan para mag budget o mag ipon. At sana maibahagi ko rin ang aking matutunan sa iba pang magulang at lalo na sa anak namin.
Đọc thêmYes. Gusto kong matutunan ng mga anak natin ang kahalagahan ng financial literacy. Gusto kong matuto sya ng mga bagay lalo na ang financial education na hindi naituro sa atin noong nagaaral tayo. sabi nga sa mga nababasa at napapanood kong mga sikat na financial coaches: ''Ang pagyaman at napagaaralan'' and ''how you handle your life's decision is the same way how you handle your money''.
Đọc thêmHello...syempre tayong mga wais na nanays and tatays Ang gusto naten matutunan Ang yong pagbubudget ng pang araw araw naten gastos Lalo na sa pinansial Kasi sa panahon Ngayon sobrang Mahal mag palaki ng anak at mag paaral Lalo na at yon income mo ni tatays is sakto lang sa budget nyo sa araw araw 😊 bilang nanays Masaya na Tayo kapag nabibigay naten Ang pangangailangan ng atin pamilya...
Đọc thêmGusto kong matutunan sa usapinh pinansyal ay ang pagba-budget ng pira. Lalo na ngayon n c mister lang ang may trabaho gusto matutunan kung paano ang tamang pag handle ng pira mula sa pagkain araw-araw, pagbabayad ng bills at pag ipon para sa kinabukasan ni baby. Gusto kong kumuha ng insurance pra kay baby at sana matutunan ko kung paano pag kakasyahin o isingit eto sa aming monthly budget.
Đọc thêmYes. Sa ngayon, dapat financial literacy ang isa sa mga importanteng bagay na itinuturo sa mga bata. Kahit maliit palang, ay dapat matuto na silang maging wais pagdating sa paghahandle ng pera. Because saving early will make it a habit hanggang paglaki nila. Isa sa magandang investment ang turuan silang mag manage ng pera. It the end, magiging riches nila ang pagkakaroon ng good mindset.
Đọc thêmGusto kong matutunan ang tamang pag-iipon dahil may pagkakataon na kahit anong iwas ko na gastusin nagagalaw ko pa rin ito. Gusto ko namang magkaroon ng iba pang tips kung ano ba talaga ang dapat kong gawin at maturuan ko din ang dalawa kong anak at asawa sa paghawak ng kanilang pera upang maintindihan nila itong mabuti at maging wais. Kaya sana po ay mapili ninyo ako. salamat po 🙏
Đọc thêmDear Ka Nanay's & Tatay's, pagdating sa usapang pinansiyal una kong nais matutunan nang mga kiddos ko ay ang pagiging maalam sa paggamit nang kanilang pinansiyal sa tama, pag iipon gayundin ang pagpapalago nito "investing" ika nga. Para pagdating nang panahon na kailangan nila nang pagkukunan e makaiwas sila sa "utang" na may kaakibat na interes. #wais Kidz #maalam #ProudMomIntheFuture
Đọc thêmBilang isang magiging single Mom, nais ko sana matutunan magkaroon ng other sources while buntis pa lang po para sa future ni baby. First baby ko po at the age of 44. Meron po akong munting tindahan pero alam ko po once si baby ay lumabas, mas magiging doble na ang gastos. Kaya naman gusto kong matutunan ngayon pa lang kung pano at anong ibang pwede resources para madagdagan ang income.
Đọc thêmNais kong matutunan kung anu ano ang mga makabagong paraan upang makapag-ipon o invest na magsisimula lamang sa maliit na halaga. Kung paano ito palalaguin dahil malaking hirap ang dulot ng inflation. Nais ko rin i-involve ang aking anak sa usapang pinansyal upang maintindihan niya ang halaga nito at maging wais sa mga desisyon. Na ang pera ay pinaghihirapan at hindi pinupulot lamang.
Đọc thêmGusto kong matutunan kung papaano makaipon para maibigay lahat ng pangangailangan ng magiging anak ko. Gusto kong matuto ng pagkakaiba ng needs at wants. Gusto kong matuto ng paraan paano maaafford ang mga gusto kong bilhin. Gusto ko ring matutunan ang pag awat sa sarili para di malustay ang savings namin. Gusto kong matuto kung paano magkaroon ng financial freedom at mapanatili ito.
Đọc thêm