Hays
Naiinis na ako sa nanay ng partner ko. Hindi pa kasi kami makapag ipon para bumukod. Mabait naman sya sa mabait kaso nakakainis pag usapang pera na. Lagi nyang sinasabi ang damot daw ng anak nya, hindi manlang daw mag bigay. Samantalang kada uwi ng weekend nag bibigay ng 2k yung partner ko sa kanya tas sya na din bumibili ng ulam at nag babayad sa labada. Naiinis na ako sa puro reklamo nya. Alam kong maliit lang yung 2k. Pero sana maisip din nya na buntis ako at nangangailangan din kami.