Paternity Benefit

Nagpunta ako nun sa SSS para magfile nan MAT1. Separated na ako sa employer ko kaya ako nagasikaso. Married or unmarried inaallow na iallocate yung 7 days paternity benefit sa father nan baby. Unmarried kame at inallocate ko yun 7 days. So mababawasan na matatanggap ko sa MatBen. Ngayon, sa work ni hubby as Call Center agent nagtanong sya kung magagamit nya yun 7days Paternity Leave nya. Sabe sa kanya ng HR hindi daw. Married lang daw yung allowed sa kanila. Meron ba dito same case samen? Common sense kase bat iaalow nan SSS na ideduct yun 7 days as Paternity Leave saken kahit unmarried kung di pala iaalow nan employer yun unless married. Meron ba dito nakapagPaternity leave hubby kahit di kasal?

2 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Ang paternity leave kasi term lang talaga yun para sa mag asawa. Baka di na explain ng maayos ng partner mo sa HR na pumirma ka ng allocation form sa SSS.

Up