NagPropose Ng Kasal Pero Hindi Daw Nia Masabi Na Mahal Nia Ako

Naghiwalay kami ng ex ko dahil walang chemistry. Masaya kami noong una pero dahil sa magkaiba kultura namin(foreigner at Filipino naman ako) hindi kami siguro nagkaintindihan nga mga simpleng bagay. Pero hindi kami madalas magaway. Nabuntis ako noong naghiwalay kami at sinabi ko sa kanya. Noong una sinabi niya na may choice akong i terminate ung bata. Sinabi ko na ayaw ko gawin un kasi prolife ako. Hindi kami nagusap ng mahigit dalawang linggo. At hindi na ako umasa pa na babalikan o kakausapin pa niya ako uli. Ngunit kahapon, bigla siyang nakipagusap at gusto na makipagkasal para mapalaki namin ung baby together at gusto nia itry to make us work sa relationship . Sinabi nia na may care siya sa akin pero hindi nia masabi na mahal nia ako. Mahal ko pa siya pero andoon ung dilemma na baka hindi mabuti na magdesisyon ako na pumayag sa offer nia na ganoon naman ung feelings nia. Sa tingin po ninyo or ano po ba ang mga opinion po ninyo? Thank you.

2 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

I think, bigyan mo pa ng time ang sarili mo at ang daddy ng baby mo na makapag isip pa. Kung after ilang buwan, gusto niya parin magpakasal. Doon mo naman isipin kung gusto mo din ba. Mag list ka ng pros and cons nito hindi lang sa baby mo pati na din sayo.

Maraming salamat. :)