CAR LOAN ni husband
Na gi-guilty ako kasi di ko sinasagot mga tawag ng banko para sa approval ng car loan ni mister. Ayoko kasi sana muna mag car loan dahil nga malapit na ako manganak at mabigat ang monthly amortization na 20k halos lahat ng sahod ni mister sa car lang mapupunta. Palibhasa kasi working din ako kaya hindi nag aalala si mister sa gastos ni baby. Ang gusto ko sana mag house loan muna ang unahin pero sabi ni mister eh hindi rin naman matitirhan dahil sa parents namin ipapaalaga ang baby namin at mas magagamit ang car paglabas ni baby. Tama ba ang desisyon ko mga mommy o tama si mister?