MASAKIT NA LAMAN SA PUWIT
Hi momshie 30 weeks preggy napo ako and nahihirapan ako mag lakad kase masakit yung kanang pwet ko parang nabugbog na laman or may naipit na ugat . Ano kaya sangi nento? Sobrang sakit halos di maka straight ng lakad :(
According to theAsianparent website: Sanhi ng pananakit ng balakang ng buntis: Bakit sumasakit ang tagiliran ng buntis? Ano ang sanhi nito? 1. Ang pregnancy hormones na relaxin. Ito ay nakakapagpa-relax ng mga ligaments o litid na sumusuporta sa mga joints ng katawan, at nakakatulong na bumuka ang pelvis o buto ng baywang para mas mapadali ang panganganak o paglabas ng sanggol. Ang nagiging problema lang, ang relaxin din ang dahilan kung bakit mas nagiging sensitibo sa trauma ang mga buto sa balakang, kaya nga sumasakit. Kapag sumasakit ang baywang o balakang, o ang tinatawag na pelvic girdle pain, ikinababahala ito ng nagbubuntis, bagamat karaniwang uri ng pregnancy pain ito. Ang litid kasi na nagdudugtong sa spine at pelvis ay lumuluwag sanhi na nga rin ng pregnancy hormones. Mas tumitindi ang sakit kapag gumagalaw ang bata at nag-iiba ng posisyon. 2. Ang sciatic nerves. May dalawang sciatic nerves ang katawan, na nasa likuran at konektado din sa paa. Kapag nagsimulang lumaki ang uterus, nadidiin ito sa mga nerves na ito na sanhi ng pamamanhid at pananakit ng balakang at likuran. Tinatawag din itong sciatica ng mga medical experts, ayon sa Mayo Clinic Guide to a Healthy Pregnancy, na inilathala ng pregnancy experts ng Mayo Clinic. 3. Bumibigat ang timbang ni Mommy. Kapag bumibigat si Mommy, nagkakaron ng pressure sa buto ng balakang o pelvis, kaya nararamdaman ang pananakit ng balakang ng buntis. Hindi na rin kasi balanse ang katawan dahil sa lumalaking bata, kaya minsan ay hindi na tama o normal ang tindig ng nagbubuntis—kaya sumasakit, dahil nadidiin sa balakang. Lalo pa kung madalas matulog nang nakatagilid. Sa madaling salita, ang sentro ng gravity o hila paibaba kapag nagbubuntis ay nasa balakang at pelvis, dahil sa bigat ng bata. I hope na makatulong itoo❤️
Đọc thêmSa position po yan ni baby. Galaw2 po kau.