Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Mummy of 2
Period
Mommies, has anyone experienced ng light bleeding (1 pad a day lang di napuno) for 3 days and then on the 4th day, heavy bleeding na? Normal kasi na dugo ko, 3 days lang and di ko na experience tong light bleeding pag menstruation. Sa hormones lang po ba kaya to or possible pregnant?
Rib Cage
Help, mommies. Masyado na ata akong stress na kahit anong bagay ikina papraning ko. This started days ago na parang masakit ang dulo ng left rib cage ko. And then kagabi, I tried to feel my ribs, (both ribs) parang mas labas yung left rib cage ko kesa ang right, di ko naman masyado na fefeel pag hinahawakan. Is this something to be worried, mommies? Baka may say kayo dito. Please, I need words po or advices if this is something I should check on doctors. Thank you po.
Deworming
Hello, mommies. Pwede na po ba bigyan ng pang deworming si baby na kaka 1 yr old pa lang? He ate watermelon kagabi before dinner and hotdogs nung umaga. Nagsusuka sya kagabi ng ilang beses yun tapos medyo buo2x pa ang hotdogs, di sya na digest kaya naisip ko baka sa hotdogs yun. Sabi ng iba, sa watermelon daw kasi galing pa sa ref nung kinain ni baby. And then, this morning lang, he had a watery poop pero di naman parang tubig lahat. May nakita akong isang worm na sobrang liit. ? Si baby po kasi lahat na lang pinapasok sa bibig pati tsinelas. Dahil po ba sa worm kaya sya nagsuka o na impatso? Pwede na po kaya sya bigyan ng pampurga? Close din kasi mga pedias malapit dito sa min ngayon. Baka po may maka relate sa tanong ko. Thank you po.
Galit sa partner
Hello, mommies and daddies. Ask ko lang po opinions nyo kasi wala ako makausap like friends or family sa sitwasyon ko ngayon kasi malalayo po sila. Me and my partner with 2 kids are living here malapit sa bahay ng family nya. Di po kami close ng parents nya and wala na po akong parents. Now, nag away po kami ni partner ko gawa nung after party nila umuwi syang maga ang lips nya. Automatic pi ako nagalit kasi may kasalanan pa sya sa kin. Nung kakapanganak ko pa lang, he asked me na gagala sya nung 1st week of January pumayag ako. Nung next week ulit nagpa alam sya, I said "no" kasi may sakit si baby namin non pero tumuloy talaga sya. Wala syang reply sa mga txt ko and he came home 3am that time without me knowing san sya nagpunt and sino kasama nya. The next day, may unknown # na tumawag sa kanya and when I asked him sino yun, biglang yung reaction nya parang kinabahan. I was so mad that time na naging dahilan para di ko na sya pansinin ng maayos and di na po ako nagki kiss pag umaalis sya ng bahay o darating. Nagbago po treatment ko sa kanya. And last day nga lang po nung umuwi syang maga ang lips nya, sobrang nagalit po ako. Sagot nya, kinagat daw ng langgam. Di o talaga ako naniwala until now di ko sya pinapansin. Mali po ba ako na pag dudahan sya agad dahil lang sa nangyari nung January? Sana po bigyan nyo ko ng sagot. Salamat po.
Ear infection
Hello, mommies. Anyone here po na naka experience na maga ang loob ng tenga? Nasugatan po tenga ko sa kakakalikot ko ng buds. Last day po may sharp pains pinatingnan ko sa partner ko ng loob, sabi nya parang may pimple daw and then kahapon ang sakit nya talaga, di ko mahawakan. Ngayon,nawala ang sakit pero maga po sya sa loob and parang na block kasi di na q masyado makarinig. Bukas pa po kasi ako makakapa check up. Nawawala po ba agad ito sa antibiotics?
Antibiotic
Hello po, mommies. My 9 mos old son po supposed to take his antibiotic for cough this morning 7 am.. Past 10 na po, nakalimutan ko pala sya painumin. Pwede ko po ba ipa inum to ngayon and yung sunod na take nya na dapat 7pm, e move ko rin sa past 10 pm? Thank you po.
Sudden cough
Hello, mommies. Yung baby ko 9 mos old bigla nagkaroon ng cough. Hindi sya matigas na ubo. Kahapon ng umaga nag start. Ang naalala ko, 11 pm nung nagdaang gabi kumain ako ng shrimp pero tatlo lang at yun tapos malilit. Posible po kaya na dahil yun sa shrimp? Breastfeed po ako kay baby. Thank you po sa sagot.
Evaporated Milk on 8 months old baby
Hello, mommies. Pwede po ba maka drink si baby ng blended fruits with evaporated milk? He's 8 months old na po. Thank you.
Bday Celeb for babygirl
Hello po, mommies. Pa help naman po. 4th bday po kasi ni babygirl ko sa Friday, ayaw ko po sana maghanda kasi iniisip ko po budget namin. Kaso gusto ni babygirl ko mag invite ng mga pinsan nya. She has 3 cousins and 1 close friend. May tabi po ako na 2k, plan ko po sila lang mga bata cake at sweets lang mga pambata e prepare ko. Di naman po kaya ng 2k budget magpakain ng 20 to 25 persons dba? Kung e invite ko pa mga tao dito sa min kasi ang tinitirhan po namin compound, puro relatives ni hubby. Di ko po kasi alam mag budget kasi never naman po talaga ako nakaranas even before na mag handa. Kung kaya po ng 2k, ano2x po pwede lutuin kahit dalawa o tatlong putahe lang? Thanks po, mommies.
DayCare
Hello, mommies. Hihingin ko lang po opinyon nyo. My toddler po is turning 4 yrs old sa Aug.23. Pinapapasok ko po sya sa Day Care Center sa barangay. Nakapasok na din po sya laat year, 3 yrs old pa sya dun sa DCC sa province namin kaso na stop nung nanganak ako. Ngayon po, pansin namin mga parents and in my own observation, c Teacher po mainit ulo sa mga bata. Araw2x sya galit sa mga bata na parang mga ka age nya kaharap nya kung pagalitan nya. Sa pagtuturo din po, di lang po ako nakapansin pati ibang parents na din na pangit ang paraan nya. Di rin po nag eenjoy mga bata kasi konting ingay lang, galit na sya agad. Etong toddler ko po, marunong na naman sa letters, numbers, even sa planets and madali naman po turuan. Plan ko po ngayon, e stop na lang sya para din di mahirap sa min kasi may 7 months baby po ako dinadala ko din sa school. Pag magkasakit si baby, di nakakapasok toodler ko. Sa kin po kasi, okay ako mag sacrifice ng time kung worth it. E kaso po, parang off ako sa teacher nya. Sa tingin nyo po, okay lang ba na e stop ko na lang sya?