share kolang diko na talaga kaya?

Hi mommy share kolang kase ang sakit na ?? si live in partner kase nananakit kahit dipa ako buntis. Kagabi sinuntok nya yung hita ko kase ayaw ko syang hilutin madalas akong magkapasa dahil sa kanya tas ayaw nya akong pauwiin samen pag may pasa ako or may makikita pamilya kong sugat dahil sa kanya. Kanina nag away kame sinampal nya bunganga ko tas umalis sya nag inom kasama mga katrabaho nya. Pag uwi nya lasing nag away kame sinaktan nya ako binatukan sinabihan ng palamunin nya lang daw ako tas hinampas sa likod para di sya nakukunsensya na makunan ako ! Nung nakaraan tinampal nya ako sa bunganga nagdugo yung bunganga ko pero parang wala lang sa kanya pag sinasabi kong mag hiwalay na kame ayaw nya. Pagsinasabi ko na magsusumbong ako sa pamilya ko sasabhin nya wala naman syang ginagawa saken. Mahilig talaga syang manakit syempre napapaganti din ako pero pag sobra na pananakit nya saken iiyak na lang ako tas sasabhin nya iniiskandalo ko daw sya sinisira ko buhay nya? minsan kinukumpara nya ako sa mga ex nya? ang panget ko daw ang payat muka daw akong butete? sinasabihan nya din akong pokpok kase ganon nya daw ako nakilala?dati kinutongan nya ako nagkabukol ulo ko ? madalas nya din akong tinutulak?minsan natatakot nadin ako baka duguin ako sa sobrang pananakit nya?wala syang binibigay saken pampacheckup sinasabi nya saken humingi ako sa pamilya ko?hanggang ngayon wala padin syang ipon para sa anak nya miske piso wala. Like ngayon kailangan ko magpapelvic ultrasound ayaw nya ako samahan sa hospital wala daw syang alam don ginastos nya din yung perang bigay ng ate ko para sa pangultrasound ko .????? 6 months preggy here?

219 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Iwan mo na yan. Sinasaktan ka na nga, mag-iistay ka pa? Pano na lang pag andyan na baby mo, baka yun naman saktan siya sa susunod. Maawa ka sa sarili mo at sa anak mo. Walang babae na dapat makaexperience nyan. Kung ayaw nya magpakalalaki at ayusin ugali nya, iwan mo na.

Nakakalungkot isipin Ang mga ginagawa nya sayo.hindi deserve Ng kahit na sinong babae Ang masaktan...Lalo na Ng akala nating nagmamahal sa atin.Sorry po ah pero dapat ipaTulfo mo na Yan or isumbong sa Women's Desk Kasi nkakatakot baka anong mangyari sa inyo ng baby mo.

sana po hindi nyo inantay n mabuntis kung mtagal n syang nananakit.isipin nyo po anak nyo bka saktan din po..and hindi nyo po deserve n masaktan..kht sinong babae hindi deserve ang masaktan..makipag hiwalay k n or iwan mo sya kung ngaun p lng wala n sya natutulong sau

Hala momshie, bat pinatagal mo pa? Hindi pwedeng dahil lang sa mahal mo siya, dapat din na nirerespeto ka. Alam niyo po bang nakakababa yan ng dignidad natin mga babae? Dapat po lumaban kayo. Pag wala siya that's the time na humingi ka ng tulong. Magpa ka tatag ka.

kht nman ano sbhn nmin kaw pa dn ggawa ng hakbang e.. kung mhal mo srili mo at baby mo layasan muna yang lip mo bka ssunod mapatay kapa nyan, kawawa lang kau ng anak mo sa taong yan..magsikap ka mdame nman single mom jan e.. lakasan mo lang loob mo..kaya mo yan.

Alis kana. Baka pati sa anak niyo gawin niya ang manakit. Wag mo itolerate na sinasaktan ka niya. Umuwi kana sa inyo. Nasa isip niya siguro hindi ka umaalis kahit sinasaktan ka lagi kata okay lang. Kung kaya ka niya saktan baka next time mapatay kana niya.

tanga mo naman para paabutin pa lalo sa ganyan sitwasyon. ilan beses kana sinaktan anjan ka pa din isipin mo na lang anak mo kung ano mgiging future pag labas kung patuloy ka magiging marupok, kung may work naman pala yan edi don ka umalis at umuwi sainyo

Save yourself and the baby, iwanan mo na at umalis ka na, seek help sa baranggay din, magpa medico legal ka kung kinakailangan. Pa blotter mo din at umuwi ka sainyo, hihintayin mo pa ba na yang anak mo ang susunod na masaktan??? Alam mo ang tama at mali.

Pwede mo nmn yan ireklamo sa women's desk. Bkt mo tinitiis? Atsaka, pera ng ate mo pang paultrasound mo bkt mo rin binigay na mas kailangan mo yun? Umalis ka na sa ganyan na sitwasyon. Pano kung ang anak mo ang sasaktan niya in the future?? 😕

Tumakas ka na. Jusko. Hindi matatapos yang kalbaryo mo te. Hindi magbabago yang lalake na yan. Pag nagpacheck up ka ulit, kunin mo nang chance yun para umuwi sa parents mo. Hindi na dapat pinag iisipan pa yan. Mamamatay kayong mag-ina dyan ay.