Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Mama bear of 1 handsome son
Cupfeeding Of Formula Milk
Hi mga momshies. Napag isipan ko po kasi na pwede bang icupfeed si baby kahit formula milk? Mag tethree months na siya pagbumalik na ako ng work kaso hindi ako nakapag ipon ng stash dahil hindi enough yung breastmilk ko. Kahit anong pump ko buong araw hanggang 3oz lang talaga. Maniwala kayo't sa hindi, promise, sobrang konti lang makukuha ko kahit unlilatch na si baby sa akin buong araw hanggang gabe. Hindi rin ako nilelet down, hindi tumitigas ang breast ko. Kumakain na ako ng shells, masabaw na ulam, m2 malunggay, malunggay capsules, oatmeal na my chia seeds at unlilatch, lahat na lang ata na makapag padami ng bm wala talaga. Kaya, yung tanong ko po, pwede bang icupfeed si baby ng formula milk para lang hindi siya mag nipple confusion at magdede pa rin siya sa akin kung gabe? Salamat po.
Cloth Diaper Or Disposable Diaper
Hi mga momshies, pwede po bang mag survey? Ano po ba yung mas nakakatipid at convenient sa experience niyo po, yung cloth diaper or disposable diaper? As for now kasi po, yung 40pcs ni LO ngayon eh pang 3-4days na lang, kaya medyo nag iisip ako kung mag chachange na kmi to cloth diaper. Salamat po.
Lungad Sa Tenga
Momshies, worried po ako kay lo kasi ngayon ko lang po nakita na may natuyong lungad po sa loob ng kanyang tenga. Ano po ba pwedeng ipang linis dito? Baka po kasi magka problema siya sa pandinig pagpinatagal. Salamat po.
Dandruff
Mommies, ask po ako sana if normal po ba itong balakubak ni lo? Pwede lang po ba to makuha using cottonbuds na may oil? Salamat po.