15 Các câu trả lời
Depende yan sayo momsh kung alin ang mas kaya mu. Ang mahalaga ay mailabas mu si baby ng mabilis at maayos. Usually sasabihin naman ng OB mu ang recommendation nya based sa prenatal nyo and current situation nyo ni baby.
Mas better if pareho kayong buhay at safe ni baby. Kung ano ang keri mo, go. Pero ako, mahina pain tolerance ko kaya mas gusto ko painless, tumaas din BP ko (caesarian ako)
mommy parang hindi naman tayo ang magdedecide kung paano gusto ni baby lumabas 😊 ang mahalaga maging safe tayo at si baby sa time ng delivery
Natural birth for me sis. mahina din apin tolerance ko pero napaka memorable ng sakit at masasabi mo talaga sa sarili mo na nanay kana talaga.😁
Natural birth. Nakaka proud bilang ina.. As in maiiexperince mo ung totoong panganganak. Ung labor at pag nalagpasan mo nakaka proud sa sarili
Hindi naman po importante kung anong way ka nanganak. Ang mahalaga po is yung nailabas mo ng ligtas si baby at safe kayong parehas 😊
Kahit ano pong procedure basta safe kayo both ni baby are all worth it po...at it will make you officially a MOM!
For me natural birth. Kasi maeexperience mo kung paano ang hirap. Pero at the end nasa sayo yan sis 😊
Natural Birth po mommy. May side effect po kasi ang painless labor/epidural.
Parehas lang. As long as nalabas mo sa baby ng maayos. :)