Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
excited to be a mom
PPD
FTM 11 days old baby boy ECS - Oct. 27 Hi mga nanay, ako lang ba ang malungkot na hindi nangyari sa akin ang pangarap kong birth plan? Gustong gusto ko po mag NSD kasi pangarap ko na makapag alaga ako ng mabuti sa anak ko after manganak at sa mabilis din na healing. Sa 40th week ko nag leak ang amniotic fluid ko at nag trial labor ako ng 36hours pero hindi talaga nag dilate ang cervix ko stuck ako sa 1cm so nagdecide na si OB na i-ECS ako, nakita doon na nagcord coil na si baby. Sa ngayon naghe-heal naman na ang sugat ng CS ko pero madalas ko pa rin naiisip na ang hirap ng kalagayan ko dahil bukod sa baby ko need ko din alagaan ang sugat ko. Dito na tri-trigger ang PPD ko kasi bigla na lang akong naiiyak... gusto ko lang ilabas itong nararamdaman ko mga mommy kasi feeling ko walang nakakaintindi sa akin sa family dahil NSD sila. Paano ba ako makakapag cope up? or makaka move on sa feeling ko na ito. Sana mapayuhan po ninyo ako mga nanay...
Fever
39 weeks and 3 days Mga mommy yesterday nagkasipon ako at ubo, tapos kinagabihan nilagnat ako pati ngayon. Nagtext ako sa OB ko kasi wala siyang clinic ngayon kaso hindi nagreply. Iniiisip ko ng magpunta ng ER para macheck si baby nafeel ko naman siya gumalaw kanina mga 7pm. Gusto ko lang makasigurado na safe si baby, pahingi ng advice mga mommy. Prayers na rin sa amin ni baby para gumaling na kami agad 37 na lang ang temperature ko
Maternity Leave
As per policy ng office namin need ko na magleave 2 weeks before my due date. Gusto ko sana 1 week before kaso yun ang policy. Sabi ko nga sayang naman yung 2 weeks na sana magkasama na kami ni baby, not to mention pa pag lumagpas ako ng 2 weeks after due, mga momsh pahingi naman ng advice how do you spend yung 2 weeks na naka Maternity Leave na kayo while waiting ng labor at delivery ni baby...
OGTT
Mga mommy ask ko lang meron din ba sa inyo na hindi na nirequire ni OB ng OGTT sa third trimester kasi pasado naman ang FBS sa first trimester? Hindi na kasi ako nirequire ni OB na magpa OGTT hindi ba talaga requirement yun sa mga preggy? First time mom po ako ?
OB Feedback Dra. Catlene Mabazza
Mga momshies baka naging patient na kayo ni Dra. Catlene Mabazza hihingi sana ako ng feedback sa St. Mattheus Hospital San Mateo siya affiliated. Salamat po