Miscarriage or Not?
Hi mommy's 7 times po ako nag positive sa PT and Blood Serum positive din po ako nag tvs po ako ng ika 5 weeks ko based kung kelan yung last menstruation ko and wala pa pong nakita sa tvs ko ang impression lang is suggestive of early pregnancy and pinapabalik po ako for 2 weeks para ulitin yung tvs. Kinabukasan dinugo po ako at may lumabas na malaking buong dugo si baby na po ba yun? Kasi sinugod po ako sa hospital nag conduct po ng IE sakin close cervix daw po ako hindi naman po ako sinuggest ng ob for raspa at ang advised ng ob is wait for 2 weeks then ulit ng tvs para malaman Kung mabubuo palang or totally wala na si baby. Wala po silang binigay na any meds sakin. Currently bedrest po ako. Wait daw po sa result after 2 weeks worried po kasi ako kung safe po ba yung 2weeks if wala na po talaga si baby then dipa ako na raraspa or possible paba after na labasan ako ng ganon kalaking dugo is may mabubuo paba? sa mga mommy's na same experience dyan comment po kayo pa share po ng mga experiences nyo first baby ko po sana yun. Thank you po
hi goodeve mi, parehas Po tayo mi. 8weeks nako lumabas Yan at 3am nagising ako kasi naiihi ako pag ihi ko Po, bigla akong may nakitang dugo sa panty ko Hanggang sa lumabas na Po Yan at nalaglag na sa bowl,dinampot ko pa Yan sa bowl habang naiiyak nako as in at nararamdaman ko, feeling ko nawala na Ang baby ko Ang sakit. Hindi Naman Po nag tagal Yung pag dugo ko, tapos po kinaumagahan nag punta po agad kami Ng hubby ko sa ob, then mag papa raspa napo Sana ako. pero nag suggest sila na magpa check up Po muna ako sa hospital, so nag pa tvs po ako. thank God si baby kumapit at okay po siya🥰. nawala Yung takot, lungkot at kaba ko Po nong malaman kung okay si baby. Ang Sabi po sakin is nag bawas daw Po Ng placenta kaya Ayan Po lumabas. first time mom Po ako, ngayon Po 5months na Po siya 🥰👶🏼
Đọc thêmSakin po nangyari dinugo ako ng October 24,2022 then dinala ako sa emergency kasi sobra na yung pag durugo ko. Pero habang nasa hospital pako wala pa naman lumabas na buong dugo sakin nag conduct sila ng ie sakin at ang sabi close cervix pa naman daw ako at pinauwi pina bedrest lang ako ng 2 weeks at binigyan ng duphuston pag uwi sa bahay dun na lumabas yung buong dugo. Diko pa alam na nawala na yung baby ko. After two weeks bago yung follow up check up ko which is November 4,2022 ng umaga diko alam bat nag pt ako then negative result yung lumabas. Nagka roon nako ng idea na baka yung lumabas na dugo sakin is yung baby ko na pero para maka siguro ako nag pa tvs ako at ayun na malinis na nga ang matres ko thin endometrium nako no need na i raspa. Complete miscarriage
Đọc thêmBabalik din yan mi sa tamang panahon may magandang Plano si God kung bakit ganyan. Mag tiwala Lang tayo palagi sa taas. ♥️
naku mommy, change OB kana kung ganyan.. it happenes to me sa 1st pregnancy ko. wala din nakita sa TVS ko tapos dinudugo ako. although hindi ganyan kadami at kalaki. hindi rin ako binigyan ng kahit anong gamot, tapos after a few days ako pa nagtext sa OB ko kung pwede ako uminom ng pampakapit. then nagresearch ako ectopic na yung possibility ng pregnancy ko, until after 2weeks nagpacheck up ako di nako makatayo ng maayos ayun pala positive ectopic nako umabot pako ng 10weeks nun since kasagsagan ng pandemic..hayy may mga OB talaga na ganyan.. nakaka inis! pa check up kana ulit mi baka kung ano pa mangyari sayo, but be ready to accept na possible wala na si baby..
Đọc thêmhope na maging ayos ka Mommy. ganyan din yung ob na napuntahan sakin naman is sinabihan pako na need ko pa magpa beta hcg to confirm na preggy ako e positive na nga ako sa urine and blood . tas after ilang days lang nakunan ako 5weeks and 6days base yun sa past menstruation ko then minessage ko yung OB sa viber pinakita ko yung lumabas saken jusko wala man lang ka amor amor tas after 3 days nagmessage saken " di ka pa nakakapag follow up saken diba? " pera pera lang talaga yung ibang OB CLINIC. kaya after ko makunan dumiretso na ko sa MCU napakabait ng OB lahat pinapaliwanag and naging sad din sa nangyare sakin . kaya be wise talaga sa pagpili ng OB .
Đọc thêmhindi po ako niraspa. kasi lumabas sya nang buo. balik ko for transv sa 8 to confirm na wala nang natira.
grabe nman yan ob mo wla man lang meds na nireseta. skn nga nagspotting ako tapos tinawagan ko un dati kong ob nagbakasakali lang. wlang clinic ang ob ko nung araw na un kya d ako mkpagpacheck up sknya bsta cnabi ko lang postive ang pregnancy test ko at may spotting ako. sbi nia try ko daw bumili ng folic at duvadilan na pampakapit kht wlang reseta pinabili nia ko. aun awa ng dyos tumigil paghilab at nahinto spotting ko pinabedrest din nia ko.
Đọc thêmHi po, this is the same with me po sa 1st baby, blood clot po yan, nag sexual intercourse po ba kayo ni Mister ngayon? Baka threatened miscarriage lang po.. Ganun din kasi diagnosis sa akin nong nilabasan ako ng blood clot, threatened miscarriage. However the next day nagpa OB agad ako. Andun pa naman si baby, but kapag ganito na case dapat may pangpakapit po na ibibigay si OB, did you informed your OB about the clot po?
Đọc thêmWag na po kayo magwait ng 2 weeks Momsh...visit na po agad..
Hello, 8weeks pregnant ako and dinugo rin last week. Wala naman buo sakin at may heartbeat pa naman. Pero before ako i-TVS ulit kinapa ng OB ang sabi nya mababa na daw at parang lalabas na. Tinanong ako kung first baby kasi kapag first time daw, malalaglag sya ng buo. Baka po ganun ang nangyari sa inyo kung first baby baka lumabas sya ng buo :(
Đọc thêmNalaglag rin 2nd, 3rd and 4th baby ko thankfully buo naman so no need for raspa take lng ng meds and then faith lng sa taas now meron na akng malusog na 4th month old baby 🥰
hello po, yan din po nangyari sa akin last September, halos ganyan karami ang clot, pero nag bigay agad si OBng pampakapit at nag request agad na ipa ultrasound, thankfully hindi naman na laglagan, pero super kargado ako sa gamot, pina bed rest ako for 1 month, mag 5 mos na po ako this September 😊
Đọc thêmCongrats mommy ❤️
Ganyan na ganyan din sa akin noon nalaglag rin 2nd, 3rd and 4th baby ko thankfully buo naman siya lumabas so no need for raspa take lng ng meds. Sobrang sakit dahil sunod2 yon pru faith lng sa taas kung para sayo para sayo talaga. Now meron na akng malusog na 4th month old baby 🥰
Thank you po 🥰
yan yung pang 3rd baby ko mie nakunan ako 3months na sana akala ko simpling spotting lang kaya ng off duty muna para mag pahinga pero ng 1hour lang 3napkin na nagamit ko kaya pumunta kami sa hospital tTVS muna nila ako at sabing wala na talaga 😞 yan na daw yung bby ko
Dreaming of becoming a parent