WORKING MOMMIES: mahirap po ba mag work while pregnant?
Hi mommies, First time ko palang po maging preggy. By June next year po due date ko. I'm planning na mag work pa rin sana this year, kayalang ramdam na ramdam ko now on my 2nd trimester, lahat po ng energy ko, mentally, emotionally, physically, wala po akong ka gana-gana na mag work, as in tamad na tamad po ako na hindi ko alam san ako huhugot ng motivation to work. But financially , I need it obviously hehe, pero may nakatabi naman akong savings kahit papaano, at nandiyan din naman si partner ko po. Sa mga working moms, kamusta po? mahirap po ba? do you recommend it? na mag work pa rin? hindi po ba draining? pa-share po ng experience. Thank you po in advance 💗.
Sa case ko mommy, mas pinili ko na lang na hindi magwork kasi may history na ako ng miscarriage sa first pregnancy ko. High risk din ako kasi I am currently 23w2d, multiple times na rin akong nagbleed at narealize kong mabuti na lang na nag-full time housewife na muna ako. However po, mahirap lang po siya sa una kasi kung sanay po kayo na nagwowork araw-araw at sanay kayo na busy kayo, medyo mahirap siya. Nakaka-bore at nakakainip din kasi sa bahay lalo na kung mag-isa ka at siyempre mahirap din pag si Mister lang ang may income. Pero maisusuggest ko lang po, try niyo po muna magfile ng sick leave for 1 month (file niyo po i-submit sa SSS para at least may income), then subukan niyo po magbed rest. Hope this helps! 😊
Đọc thêmako po working mom din.. tamad na tamad po minsan pero pinupush through nalang po.. normal lang naman po yun 😅 nilalabanan ang tamad, iniisip ko nalang na.. lahat ng ito maaadapt ni baby kaya dapat masipag.. gawin nyong motivation si baby nyo.. at depende din po sa inyo kung di kayo maselan magbuntis.. 😊😊😊at depende rin po sa workmates nyo, kase ako eversince na nabuntis, napakaconsiderate nilang lahat.. kaya yung stress sa work ay na-Lessen.. ❤️🥰 (9 months preggy now.. 😊)
Đọc thêmdepende naman po sayo yun mommy if carry mo naman financially pwede ka namang hindi mag work or kung high risk ka di ka talaga pwede mag work, ako simula sa first baby ko hanggang ngayong preggy ako simula 1 month na buntis ako nagwowork pa din ako nag leave lang ako nung nag 36 weeks na ko na pregnant kase medyo mabigat na si baby tas need ko din mag rest bago manganak. kase pag kapanganak mo mommy dun na mag start lahat ng pagod at puyat.
Đọc thêmAko po working pero need kasi talga mag work din po para masuportahan din ung pagbubuntis ko may partner naman po ako pero kulang po kapag sya lang. siguro po depende sa kasma mo sa work? Ako po kasi pinagpapahinga nila or pinapaupo kapag wala naman tao. Hehe sales Associate po ang work ko so mas pagod tlga na literal lalo na nung nga nakaraang week. 😅 lagi pang gutom at ihi ng ihi. 😅😅
Đọc thêmLow risk yung pregnancy so i was able to work until just before i gave birth. Fortunately work from home naman so nakaka sneak ako ng nap after lunch kasi sobrang antukin talaga ako noon. When i had to do presentations, i also run out of breath very easily, pero that's understandable naman. So i say depende sa pregnancy, living situation, and nature of work mo mommy. God bless
Đọc thêmHi, kung fit to work ka pa din po at walang sinasabi si Ob, push mo pa din mag work Mi. Same tayo, last June 2022 yung due date ko noon, 100% wfh ako kaya sinamantala ko magwork. Makakaipon ka po for baby needs. Napaka gastos po once na lumabas na siya. As per energy, try mo po pa reseta sa Ob mo. Ako po kasi ininom ko noon yung Anmum choco tapos more on water and fruits.
Đọc thêmif your low risk naman ok lan..ako kasi high risk pregnancy kahit gusto ko mag work..due to stress sa...construction industry..hindi pwede..field work kasi ako..depende po..mas pinili ko kasi c baby kesa naman makunan ako..ung pera at career nanadyan naman yan pero ung baby ko mahirap na isapalaran..
Đọc thêmWorking din po ako not until last december 7 e pinabedrest nako ng OB ko at nagppre-term labor na pala ako. Natagtag siguro ko sa paglalakad pagpapasok sa work. And grabe lang experience ko dito sa 2nd baby ko kumpara sa una, sobrang hirap lang. Btw, due ko na din this month praying for our safety & healthy baby.😊🙏🏼
Đọc thêmWorking mom din po. Now on my 31weeks. Medyo mahirap lang bumangon sa umaga kasi masarap matulog at syempre hirap na din maglakad. Kinakausap ko lang si Baby na kapit sya kasi magwowork kami. And i consider it na exercise namin lalo na yung maglalakd sa umaga at pgcocommute. Naeenjoy ko pa naman mi. Kasi need makaipon
Đọc thêmAs a working Mom nka depende din siguro sa type ng work mo and recommendation ng OB mo. If di naman ganon ka stressful or nkakadrain ung work ok lng and kung di nmn maselan ang pag bubuntis mo. Sa BPO ako nag wowork at inalam ko dn if safe ba na mag work ng graveyard shift so far ok naman.