WORKING MOMMIES: mahirap po ba mag work while pregnant?

Hi mommies, First time ko palang po maging preggy. By June next year po due date ko. I'm planning na mag work pa rin sana this year, kayalang ramdam na ramdam ko now on my 2nd trimester, lahat po ng energy ko, mentally, emotionally, physically, wala po akong ka gana-gana na mag work, as in tamad na tamad po ako na hindi ko alam san ako huhugot ng motivation to work. But financially , I need it obviously hehe, pero may nakatabi naman akong savings kahit papaano, at nandiyan din naman si partner ko po. Sa mga working moms, kamusta po? mahirap po ba? do you recommend it? na mag work pa rin? hindi po ba draining? pa-share po ng experience. Thank you po in advance 💗.

20 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Ako po working. During 1st tri nagbleed ako tapos bedrest for 2 weeks. Ngayon po working padin. Exhausted physically and mentally pero pag supportive naman colleagues walang problema. Driving din ako everyday going to work. Basta vitamins and low risk ang pregnancy walang problema mami

If kaya mo naman mag work, pwede naman. Basta lang dedicated ka and ready to work even pregnant. Kasi kung hindi ka naman happy na mag work and as you say wala ka gana its okay to rest naman. Kung ma sstress ka lang, kawawa naman si baby. Enjoy mo lang muna ang journey mo 🥰

Ftm here, mula nagbuntis ako work pa rin ako , saka lang nagstop magwork nung pumutok na panubigan ko and nadala ko pa sarili ko sa hospital..pinaglileave na ako nung 35weeks ko na pero kako kaya ko pa magwork gang sa di pa nanganganak.

7mo working from home. napaka considerate naman ng mga superiors ko.kaso medyo hirap sa workload. projects were assigned pagpasok ng 2023 and i got pregnant by July. kaya naghahabol hanggang ngayon na matapos ang projects.

As high risk pregnant, naawa yung pinakaboss namin at kinausap yung IS ko na tulungan ako at wag pahirapan. Kaya working din tapos isang beses sa isang linggo lang ako pumapasok sa office, the rest wfh na.

mahirap po depnde sa pakiramdam mo. sakin kasi ayoko magstop work peri lagi masama pakiramdam ko gusto ko lng mahiga. kung kaya mo naman po and ok si baby it's for you to decide

night shift din ako and nasa 2nd trimester na.. grabe antok ko sa duty pero sa araw insomnia nman 😭😭 need mg work para mka ipon sa panganganak.

7 mons and working pa rin ako and oo, mahirap talaga sya. Sama mo pa yung byahe araw araw pero need talaga kayanin kasi walang choice hahaha

in my 2 pregnancies, i worked hanggang sa nanganak. due to pregnancy, i did office work set-up. hindi ako nahirapan.

opo sobra