Advice pls 😅

Hi mommies! Yung in laws ko kasi gusto kami papuntahin sa house nila, tho hindi naman malayo, same town lang pero magkaibang brgy. Btw, andito po kami ni Lo sa mama ko, and LDR po kami ni husband. Hindi ko kasi alam isasabi ko sa in laws ko hehe minsan kasi ayaw ko na sana na ilabas si Lo kasi paiba iba ang weather talaga ngayon dito sa amin. 2 months palang si baby at Kakagaling lang ng ubo nya, at ayaw ko na sana maulit yun, ayaw ko lang sana maoffend sila or isipin nila na ayaw ko dalahin si baby ko sa kabila. Nagiinsist naman ako palagi na pumunta na lang sila dito sa bahay if gusto bisitahin si baby kasi welcome na welcome naman sila dito, and also kapag kasi nasa kabila kami, hindi naliliguan si LO, kesyo sasabihin ng MIL ko na malamig daw, punasan na lang muna, si LO kasi sanay na naliligo everyday, ang ending irritated si baby at hindi makatulog ng maayos pag hindi nakakaligo. What should i do mommies haha gusto kasi nila duun kami magstay for a week, nagstay na kami sa kanila before ng 1 month at ang hirap talaga magadjust lalo na pag hindi mo sariling bahay, paano ko ba sasabihin na ayaw ko pumunta haha in a nice way 😅

20 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Hahaha sabihin mu cLa pumunta sa iño at hindi cLa ang nanganak. Tapos. ((: Sabihin mu bawaL ka mabinat. At waLa mag-aaLaga sa bata pag nagkasakit ka.

guilty din ako dito. pero kasi ayoko lang dn magkasakit ang mga anak ko dahil sobrang init tapos bigla lalamig.thank god mukhang gets naman nila.

Haynako relate ako dun sa hindi naliliguan 😂 ganyan din MIL ko kaya kaya nung nagvacation kame wala ligo si baby hirap talaga makisama 😅

mr mo pakausap mo sa parents nila sabihin na my sakit kasi si baby kaya mahirap na ilabas labas. parang awa na nila sila nalang pumunta

Sila dapat ang pumunta sa inyo. vunerable pa ang mga newborn. tho 3months palang binyahe ko na si lo. pasaway akong ina eh. hehehe

Mag usap kayo ni hubby mo sis. Mas better si hubby mo nlng magsabi sa in laws mo haha

omg same situation mommy. plus yung mga pamahiin chuchu, di ako naniniwala doon e. pero wala ako magagawa.

Thành viên VIP

Hello. Mahirap yan, mao-offend at mao-offend yan kahit anong gawin at sabihin mo.

maki coordinate ka sa hubby mo para alam mo idadahilan mo sa inlaws mo.

Influencer của TAP

Si husband na lang siguro ang mag sabi sa parents nya.