7 months/ nilalagnat

Mommies, yung bb ko kasi kahapon 1pm nagstart nadaw po lagnatin baby ko😔 nasa work napo kse ako. Eh bawal po kse cp sa work ko, kaya po pagkauwe kona ng 6pm nalaman. Mainit dw po ulo nya napansin ng mama ko, tas nung binody temp nya 37.5 . Pero okay naman po sya kagabi pagkauwe ko masigla sya, umiiyak lang sya nung pagkagising pero nung mayamaya napo pagkabuhat ko ok nmn po, nakkpglaro tas tumatawa tawa. Tas minonitor ko sya kagabi ng 37.5 padin sya, kanna naman bago ako umalis chineck ko mainit padin sya. Tas ngayon po tulog padin bb ko, eh 10pm pa po natulog un kagabi mostly po kse 4am, 5am gising na un sabay sakin tas laro laro na. Ngayon nag aalala ako bala sumama na talaga pakiramdam nya. Hndi ako makakilos ng maayos dto sa work ko parang gusto ko umuwe kse nag aalala ako sa baby ko😢😢😢😢 Natatakot dn po kse ako IPA checkup sya sa center dahil nga po sa covid.eh wala po kme pedia nya

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Super Mom

Mommy normal temperature pa rin po ang 37.5..37.6 po yung may sinat then 37.8 and above po yung may lagnat po.. Check niyo din po baka nag ngingipin si baby😊 pacheck up niyo na lang din po si baby para sure.. Social distancing po and proper hygiene pag pinacheck up niyo po si baby😊