1 month old
Mommies tanong ko lang po kung ok lang po ba na matagal naka dapa si Baby ko? Saglit lang kasi tulog nya pag naka tihaya sya first Time ko lang po sya idapa sa higaan madalas sa dibdib ko po.
Sudden infant death syndrome po yung sids. Baby ko din 1 month and 16 days old. Madalas sa dibdib ko din kasi ayaw niya mahiga sa bed. Kaya puyat lagi at bantay bantay. Baka makatulog ako ng mahimbing d na pala nakakahinga kasi nakaubob sa dibdib ko.
30mns pwede na ang tummy time...delikado kase ang naka dapa pag nakatulog hndi pa kaya ang pressure sa dibdib nila mahihirapan ang heart nila kaya nag cacause ng SIDS pag nakatulog si baby pwede itihaya na sya
wag mo hyaan matulog ng nakadapa hanggang 4mos.. nabasa ko sa apps na ito na prone sa SIDS ang baby from 1-4mos.. akala nten kmprotable pro hindi na po pala sila nakakahinga naiipit daluyan ng pghinga po..
not advisable po mamsh, lalo na 4 months below, hindi pa kasi kaya ni baby na i side yung ulo nya pag napa dapa nya, and prone to SID po yan, bantay nlang po, and try po sanayin na nka tihaya si baby
Hindi po ok yung padapa sya itulog kasi malapit nag cacause din po sya ng SID kasi hindi pa masyado kaya ni baby yung body nya ,ok siguro mommy pag nasa 9 months sya
ganyan ung 2nd baby ko dati,madalas sa dibdib ko sya dahil gusto nya nakadapa matulog.check mo lang lagi ung paghinga nya.importante din kasi na mahaba tulog ni baby.
Nkakatakot momsh, c baby ko s dibdib ko lng pinapadapa, after 1 hour ko cia ihihiga s bed niA pra mhimbing n sleep nia, nkakapuyat pero alam ko safe c baby😊
Ok lang naman sabi ng pedia ko basta babantayan nyo lang..madalas kasing may kabag ang baby ko kaya un advise ng pedia niya..
Mas okay kung sa dibdib mo lang sya nakadapa mamsh, wag sa bed. Mas mababantayan mo ung pag hinga nya pag nasa dibdib mo.
Pwede naman sis bsta bantayan lang. Delikado dn kasi baka mmya mapadapa nya face tas hndi na nya mabalik pa side view