PCOS! sana may makapansin

Hello mommies, Sino po may PCOS at may Baby na ngayon? ano pong ginawa nyo para mawala yung pcos nyo at magkababy? Hirap ng may PCOS lalo na pag gusto mo ng magkababy ?? Help naman po ?

130 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

almost 1yr bgo ako datnan ng period noon dahil sa PCOS, nung nagdecide n kmi ng hubby ko mgkababy, ngapaalaga ako sa OB, pinagdiet ako ng ob ko non and niresetahan mga gmot, no rice and matatamis, tas every pacheckup ko pinpatransV dn ako pra mcheck dn if nbbwasan ung cyst and if pwede na mgtry bumuo, after 3months, and dalawang attempt n mkabuo, nakabuo dn kmi, Twins pa 😊, magastos nga lang tlga lalo sa gmot

Đọc thêm
5y trước

congrats sis 😊 sundin lang bilin ng dr. and eat healthy foods pra sa inyo ni baby, iwasan masyadong isda lalo ung mlakas sa mercury like tuna

May PCOS ako. Supposedly magpapaalaga palang ako sa OB para magkababy na kami ni hubby sa last quarter ng taon na ito. Pero nung di na namin pinapansin masyado dun ako nabuntis naman. May PCOS pa rin ako. Di mawawala yun tlga pero may mga pwede ka gawin para di lumala yung complications like lifestyle change. Tapos daanin mo din sa madaming dasalan. Hehe. 10 wks preggy na. 😍😍😍

Đọc thêm

2 years po akong may PCOS although regular period ko. First is nagpacheck po ako sa OB, dun ko nalaman na may hormonal imbalance ako. Nagtake ng pills for almost a year para maregulate yung hormones. Diet and exercise din. Talagang kailangan magswitch to a healthier lifestyle. Nung nagpakasal kami ng boyfriend ko then, I stopped taking pills. We conceived after 2 months of trying. :)

Đọc thêm
Thành viên VIP

last year maam may pcos din ako both ovaries tapos pumunta ako ng ob ni resitahan nya ako ng pills nakainom ako 3months lang kasi namamahalan ako so nag shift ako sa herbal medicine yung dahon po ng abana binibilang ko yung dahon dapat 51 pcs yung dahon tapos yun yung ginagawa kung tubig sa gatas o kaya kape ko effective din naman at ngayun running 30 weeks na akong preggy

Đọc thêm

May PCOS din po ako noon.. d kasi angkop ung timbang ko sa height at age ko so recommend ni OB na mag diet talaga.. sabi d daw ako magkakababy hanggat dko na reach ung timbang na para sakin.. pero 1month lang ako nag gulay at exercise nasaktuhan agad na na preggy ako.. better po pa consult kayo sa OB may irerecommend kasi sila na pampatulong makapagbawas timbang..

Đọc thêm

hi sis 6years and 8 months nagsuffer ako sa PCOS and 5 oby na nadaanan ko but now im 3months preggy comming 4months na...at dahil yan sa new doctr ko at healhty lifestyle naming dalawa nang partner ko...kc hindi lang dapat ekaw ang magpacheck.up or pa treatemnt dapat kasama yung partner mo...and hindi kame nagkamali kc nabigyan na kame nang angel...😊

Đọc thêm

Ako po may PCOS noon pero pregnant na ngayon. DIET lang po ang sagot promise. Kung gusto mo talaga mabuntis kelangan mo iwasan yung mga pagkain na nakakataba, like carbs. Bawal po ang kanin, pasta, tinapay at iwas sa matatamis. More on protein ang kainin mo like any kind of meat, eggs, veggies. And maglakad lakad sa umaga. Take folic acid vitamins.

Đọc thêm

PCOS since 2016. Nalaman ko lang na pcos ako nung nakasal ako and nahirapan magkababy. 2018 nag paalaga ako sa OB monitor ng follicle, gamot like metformin and pang ovulate saka.mga vitamins. Pati si hubby nag pa sperm count and vitamins din. Then Nov 2018 nabuntis po ako. Ngayon mag 1month na si baby. ❤ Goodluck sis pray ka lang i bbless kadin.

Đọc thêm

Mommy ako may PCOS pero 3 months old na si Baby ko ngayon. Actually mommy hindi ko akalain na mabubuntis ako ee. kasi halos 1 year na kami nag ttry wala pa din. pero nag bago kasi ako ng life style 4 months bago ako mabuntis. nag work out ako at nag diet. I think nakatulong yun. sabi nga nung nagpa TransV ako buti nabuntis ako dahil may PCOS ako.

Đọc thêm

Hi po. I had PCOS before and pinagpills po ako ng OB ko. Nakailang pills din po ako nun and aside from that, nagglutathione rin po ako kasi sabi ng kaibigan ko na may PCOS, nakakatulong din daw po yun. Tapos nag-iwas po talaga ako sa mga unhealthy foods, and now I'm 20 weeks pregnant. Maybe you can ask your OB po para maalagaan kayo :)

Đọc thêm