PCOS
Anyone suffering from PCOS?may chance pba magkababy? Any medications?
Ako, both ovaries ko. Nagtry ako herbal, paragis, barley.6 months ako nagpa alaga sa ob. papalit palit ng ob naka 4 ako. First ob (kasalukuyang ob ko ngayong buntis ako) bulacan ilang beses kami ng follicle monitoring walang nabubuo, 2nd ob cardinal, 3rd ob nirefer ng taga cardinal, st. lukes eto pinaka ayoko ang concern lang nia kita nagjujump na kami sa last resort parang di na talaga kayang mabuntis pinag iipon ako ng half a million. 4th ob sa pampanga mabait ung ob after 1st try ng follicle monitoring nakabuo kami ng asawa ko. Lahat sila iba iba ng pinainom na gamot sakin, iba iba ng dosage. Ung 4th ob ko sinabayan ko ng hilot yon nagpa alaga ako 3 days, di ko sinabi sa ob ko kase di sila naniniwala sa ganon. Di ko alam kung dahil sa 4th ob ko o kay manang na naghihilot kaya ako nabuntis pero pareho silang nakatulong saming mag asawa para mabuo namin to, 5 months na kong preggy. Ngayong preggy na ko, bumalik na ko sa una kong ob malayo kase ung last ob ko eh ang asawa ko minsan di kami sabay ng off di nia ko maihahatid kaya nag desisyon kami dito nalang sa bulacan magtricycle lang ako.
Đọc thêmHi PCOS Warrior here and im proud to say na preggy na ko :) before, ang dami kong gnwa nag pa check up bngyan ng pills bngyan ng kung ano ano gamot pero wala pa din. Then I came accross to this FB Group Keto Intermittent Fasting "KIFI" ang dami ko nakikita na my mga PCOS and nabubuntis. Then last March 2019 I was diagnosed with T2 Diabetes dahil sa PCOS ko. So nakapag decide ako na to try that Keto Diet, 20g of carbs lang halos kinakain ko no roce and bread. And im happy kasi nagka progress from 70kilos naging 59kilos na lang ako for 4mos then eto na nga last july nag tataka ako delayed ako so akala ko and ng OB ko pcos lang ko ultrasound ako pag ka ultrasound skn I was 6weeks pregnant na pala and my heartbeat na din si baby naiiyak ako that time kasi hindi ko expected. And isa pang good news yung t2 diabetes ko nag normalize hindi na tumataas ang bloodsugar ko. Im so thankful to GOD. Kaya sa my mga PCOS jan dont lose hope :) hindi porket sinabing my PCOS ka dika na mabububtis.
Đọc thêmyes ako my pcos din ako pero after ko magka anak ng dalawa 4 years old ung bunso ko nang mag irreg mens ko nagpa check up ako ilang beses ako nagpa transv sa dalawang hospital pcos ang finding skin pinag pills ako ng althea pero naka dalawang buwan lang ako kc tinatamad ako dapat two years un sabi ng ob ko katwiran ko oks na ako kc my two sons naman na ako,pero after 10 years gumamit ako ng kpad na my negative ion kc para normal ung mens ko after ko makaubos ng dalawang balot naka feel ako ng parang nararamdaman ko ung paglilihi pag pt ko ayun positive sya..pero never na kmi nagamit talaga ng contraceptive kc tiwala nga ako na ndi na ako mabubuntis kc un ung sabi ng ob ko skin sqka nag gain kc ako weight isa sa symptoms ng pcos din...tapos pinagamit ko sa isa kong kakilala ung kpad na preggy din sya actually online ko lang nabili un ndi ko na nga alam kung anu name nung seller haha!gudluck sis im 6 mos preggy now after 11 years
Đọc thêmHi Momsh, 5 months ago i was diagnosed to had a pcos. I almost cried nga when doctor said that. Buti nalang ung hubby ko is very supportive and loving sa akin. Nag pa alaga po ako sa ob. Alam mo ung monthly pag dadatnan ka, nakaka frustrate at sad kc hindi nakabuo. Pero, ang bait ni Lord, after 2 months of trying and praying, nakabuo po kami. Unexpected po iyon. For me momsh, kng may budget lng kayo ni hubby, try niyo po magbakasyon somewhere, kc yon po ung ginawa namin. Wala man syang scientific explanation pero siguro laking tulong ung wala kang iispin. Kc ung work ko very demanding. Kaya din cguro hindi nakakabuo kc stress sa work. Hehehe. Right now momsh, i am 3 months preggy. Ang bait ni Lord. Siguro right timing din Momsh. Just leave it all to God. Pray lang po at of course, follow mo ung mga advices ng ob..
Đọc thêmako po since high school may pcos na. nung first time ko nagpacheck up nung 4th yr college ako nun lang namin nalaman na pcos na pala un. niresetahan ako ng provera 5 tablets for 5 days, once a day, pangparegla un, then once na reglahin na ako mag take daw ako ng Sophia pills for 3 months, so nung nag take ako ng pills for 3 months nag regular mens ko then nung itinigil ko nabuntis na agad ako ni bf (hubby ko n sya ngaun) preggy ako ngaun with our 2nd little prince.. pinag diet din pala ako nun
Đọc thêmI was diagnosed with PCOS since 2012 but I have regular periods. I changed my diet and took Anjuse Supercell rejuvenator, then sinbayan ko din ng Vit. E and glutathione. Super antioxidants helped a lot. I am 10 weeks pregnant now. When I had my ultrasound at 7 weeks pregnancy, nawala na yung polycystics features sa ovaries ko. Stay healthy and keep your faith in God through prayers.
Đọc thêmTry low carb diet po and exercise. Search mo po sa facebook ung Low Carb and Intermittent Fasting. Madami members jan nagtry ng diet, nawala pcos nila and soon nagkaron po ng baby. Ako nag-low carb diet din plus gym for 3mos, kahit withdrawal kami nung partner ko, nakabuo pdin dahil masasabi kong healthy ako nun.
Đọc thêmYes po.. Ako my pcos po.. 12 follicles less than 2 cm ang nkt skn den aftr 6 months n medication ko nawla sya tpos aftr 3 months nbuntis ako. Ngayun 4months n po akong buntis. Bsta mg healthy living po kain ng fruits veggies ang fish.. Yan po gnwa ko 😊😊😊
Yes sis! May PCOS po ako. Nadiagnosed 3 or 4 years ago. Pag may PCOS mahihirapan ka lang po magkababy pero hindi sya impossible. Pinagttake ako non ng pills para monthly reglahin tapos tinitigil tigil ko din naman. Pinaka effective na way is diet po.
Dalawa kawork ko may PCOS ung isa nanganak then ung isa manganganak na next month. Dasal lang po ang kailangan at proper check up and consultation kung pano makakapag conceive ng baby kasi ung mga kawork ko na un alaga sa doctor un e.
YouTube content creator. I do review vlogs. check out my channel JustReg. I have over 5k subs. :)