Philhealth & SSS
hi mommies? sino nakaka alam kung magkano babayaran sa isang buong taon yung Philhealth at SSS? new member pa ako tapos September pa kabuwanan ko..sana may maka sagot, thanks in advance and God Bless?
Sa sss di sila tumatanggap na bayaran mo yung mga months na di mo nabayaran. Kung sept due date mo dapat may hulog ka at least 3 months from aprl 2018 to march 2019. If now ka palang maghuhulog, di mo na maavail yung mat benefits. Pero kung nagawa mo namn magbayad dun sa period na yun maavail mo pa rin kahit di mo muna bayaran whole year. Tapos depende how much gusto mong hulog, the higher hulog the higher yung benefits.
Đọc thêmTry mo pa habulin ung jan to june 2019..ang computation kc ng SSS kung kelan due date mo bibilang sila ng 6 months pabalik.. So kung september ka dapat may hulog ang march 2019 mo pabalik ng 1yr ulit.. So mar 2018 to mar 2019 dun sila kukuha ng pinaka mataas na hulog mo 6mos ata na pinakamataas then un ang pagbasehan nila ng maging benefit mo.. Meron din ata nian sa site ng SSS check mo din
Đọc thêmSa philhealth po since sept.na po ang duedate nyo, pede po kayo magpunta sa mismong philhealth office para makapagpamember kayo, and bayaran nyo lang po 1yr. Jan-dec.2019 (2,400) as voluntary.. meron po program si philhealth para sa mga pregnant women yung tinatawag nilang "woman about to give birth". Magdala nlang po kayo utz result at 1valid id.
Đọc thêmSa philhealth, 2400. Sa sss, need mo bayadan jan.-jun.2019 para may makuha kang mat benefit. Depende sa kung magkano ang gusto ming ihulog sa sss. Mas malaking contrib, mas malaking benefit.
Ang alam ko, kung Sept due mo, sa SSS need mo na may hulog na at least three months From April 2018 to March 2019. Try mo po kung mahahabol mo yung first quarter of this year.
Same here. September din due ko sabi sakin sa philhealth balik daw ako ng september tapos magdala ng latest ultrasound saka 2400
philhealth is 2400 sss dapat magbabayad ka atleast 3months po..kasi ako sept. duedate ko.. jan-to march pinabayaran sakin..
yes po sila mismo nagsabi
mhhbol mo pa sissy ung january 2019 to june 2019...ang due date ng byaran ay july 31..inextens ni sss
depende po kung magkano ang ihuhulog nyo sa SSS..may contribution table po taung cnusundan..
Nde nman na po tatanungin kung may work.. Tatanungin ka lang kung magkano gusto mo ihulog my ipapakita sau na listahan ng mga hulog pipili ka dun kung ano ang kaya mo hulugan.. Kc ako po nagpachange ako sa voluntary wala po ako work..
Philheath po 2400 Sss naman po dependi po sa bracket kung magano monthly niyo
Mommy of two, Medical student here