Pacifier for baby
Mommies okay lang po ba mag pacifier ang 2 week old? Na ooverfed po kasi siya. Gusto nya po palagi dumede sa akin kahit kakadede lang at busog na. Lagi rin po nya naisusuka ang mga gatas hanggang sa ilong po nya lumalabas. Grabe po ang iyak niya sa dami ng gatas na lumalabas sa bibig at ilong niya nahihirapan siya huminga. Pati ako umiiyak pag umiiyak siya. Naisip ko po na baka makakatulong ang pacifier para ma derive yung attention nya doon kesa sa dede ko kasi talagang everytime na ako ang may hawak sa kanya, dede ang hinahanap niya. Sinasayaw ko naman po para din mawala yung pagka bored niya pero medyo hirap pa ako kasi di pa totally magaling tahi ko at may times na antok na din at naooverwhelm ako. Pero still gusto ko parin yung kung ano ang best para kay baby.#advicepls #1stimemom Please helppp.