22 Các câu trả lời
Okay lang naman po siguro. In ancient times naman po there's no such thing as vitamins.. Basta healthy living lang po. Like eat more fruits and vegetables. :) Iwas sa junk foods. More water para di rin po magka-UTI. God will provide momsh. Pray lang po tayo. 🙏 Stay strong po. 💪
Try mo pacheck up sa health center na malapit sainyo mamsh meron silang binibigay na free vitamins, tapos laga ka ng malunggay inumin mo para healthy si baby kahit 3times a week ka maglaga mamsh super helpful nun.
Kumain na lang po kayo ng gulay at masusustansyang pagkain or try nyo po pacheck up sa health center nyo po para mabigyan kayo ng libreng vitamins na para sa buntis
May OB po talaga ako. Kaso wala na po kaming budget talaga. Siguro po kumain nalang masusustansya ng gulay. Nakakatakot din kasi pumunta sa brgy. Mga expose din sila sa tao. Eh alam mo naman mommy mababa immune system natin mga buntis.
Better if may iniinom ka mommy para sa proper development ni baby at maensure din yung health nyong mag mommy. Sa mga health centers naman po is libre lang.
Mommy punta ka po sa center free check up and free vitamins din po sila na ibibigay sayo para maging healthy kayo ni baby need nio un 😉😉😉
Maganda po sana kung meron, kahit multivitamins at ascobic lang.. kahit generic.. dhil lalo na po sa panahon natin ngayon , laganap ang sakit ..
Hi mommy, may libre po sa mga brgy. health centers ☺️ Sobrang importante po talaga lalo na ang folic acid at calcium sa development ni baby
Libre lang ang checkup at vitamins sa center Mumsh, mas malapit pa. Tapos maggulay at prutas po kayo lagi para healthy kayo ni baby. 😊
sa barangay health center niyo po ikaw magpacheck up para may vitamins ka. libre po, nagtaka nga ako kc may deworming na heheh
sa center mommy .. pacheck ka po baka sakali may libre . di po kasi pwede na wala kang iinuming gamot . .
Anonymous