Sugat sa likod ng tenga ni baby
Hi mommies. Nagkaron narin po ba ng ganito baby nio?? Malinis nmn po ako sa baby, araw araw po syang naliligo except kung malamig or umuulan. EBFdin po sya . at latch po kami sa gabi.. Pero di ko alam kung san po ito ng galing kung sa hikaw po ba nia.. Pabalik balik po ito minsa tuyo na pag maliligo nililinis ko ng towel tapos mag lalangis nanaman after . umiiyak nmn po sya pag inaalcohol or betadine ko .. Bka po may maka help po sakin. Pag kac papa check up ko laging tuyo na sya . lagi syang saturday or sunday ganian.. Ung walang available na check up day ..
Baka po may alaga kayong pet like dog or cat. baka may allergy din po si baby. Ganyan kase yung sa anak ko. sa kalapit bahay mismo may bago panganak na aso at inabot sa may gilid mismo ng pader tapat bintana. Malinis naman in at out ng bahay. kaya nagtaka ko at nagkaroon sa may tenga ng ganyan. nagtutubig pa nga na namumula. pinacheck up ko. allegry sa mga mababalahibo na hayop. kaya nagkaroon ng ganyan. Bactroban ointment nreseta. ang bilis naman gumaling.
Đọc thêmwag niyo lagyan ng alcohol , tsaka araw araw niyo po paliguan , bilin sakin ng pedia always wash the back of the ear ni lo .wag niyo na po mina hikawan baka may allergy siya or something tigil muna sa hikaw bata pa naman siya no need for jewerly lalo na malikot ang kamay. try to lotion if nagdry na yung natural like tiny buds or human nature wag iyong may content ng alcohol masama pa sa skin ng baby iyon
Đọc thêmnatatakot po kc akong tanggalin bka mag dugo. sobrang hirap tanggalin po
Hi momsh, sa tingin ko po tanggalin nio po yung earrings niya. Ganyan case ng bunso ko, 6 years old na siya pero pag nilagyan namin ng hikaw sandali lang talaga kasi nagiging ganyan kapag mejo tumagal ng ilang oras. Nasanay na lang siya na walang earrings at ayaw niya kasi alam niya na resulta😅
baka po may contact dermatitis ang anak nyo. alisin nyo muna po yung earrings nya mommy. tapos ask nyo po sa pedia kung ano po best na ilagay jan. kahit po sa messenger, picturean nyo po para maassess ng pedia nya.
Nagkaganyan baby ko, after mag bath, yung cotton buds, nilalagyan aquaoxinada, then sa another cotton buds water, then isang cotton buds dry lang, mag hiheal po yan. Hindi po kasi nalilinisan ng maayos
calmoseptine lang nilagay ko nung nagka ganyan baby ko po..nag heal naman po siya at natutuyo..minsan pag kinakalmot niya mag rushes nman ulit..hanggang ngayon di na siya nagkaka ganyan po..
remove yung earrings then laging pahanginan si baby, wag hayaan pawisan. very wrong din ung di papaliguan pag malamig or umuulan. maligamgam na tubig naman pinapaligo natin sa baby e.
Hi mamshie sino po nag hikaw kay baby? Pedia? Meron po kasi talagang hikaw na para sa mga baby or depende nalang talaga kung si baby ang may allergy sa mga hikaw.🥺
Baka talagang allergy sya mamshie😞 tanggalin u po muna kesa lumala p po😔 get well soon baby❤️
sa pawis nya po yan mamsh lagi nyo po icheck kapag maliligo, pagtapos at lalo na yung matutulog na sya. lagyan nyo lang po ng pang rashes cream para madaling matuyo.
feeling ko nga po naging pawisin po kc sya nung nag 2mos..
pwede nyo naman po ipacheck up kahit tuyo na. ipakita nyo lang po sa pedia yung pic. na sabihin nyo pabalik balik po. pero baka po allergy sya sa hikaw nya
Mommy of 3 cutie patotie