Sinisisi din ba kayo ng family members nyo dahil sa bad behavior ng anak nyo?
Hi mommies! I’m a single mom and have a 4 y/o daughter. I live with my family and i don’t have a yaya for my baby. Madalas akong magalit sa kanya lalo na pag nagiinarte sya. For example, manghihingi sya ng tubig tapos pag di nya gusto yung basong binigay ko di nya iinumin papapalitan nya pa or gusto nya iba pa yung maghuhugas sa kanya pag nag poops sya kahit pwede naman ako. Konting bagay iiyak. Sobrang nagwoworry ako kasi parang nagagaya na sya sakin, sumisigaw na rin sya and namamalo minsan. I understand yung negative effects pero di ko talaga mapigilan yung inis ko minsan. Napaka short tempered ko na. Dagdag pa yung mga comments ng family members mo na kaya lumalaking ganun daw yung anak ko dahil sakin. Makita lang ako na nag cecellphone o nagnenetflix parang pinapalabas na pinapabayaan ko na yung anak ko. Lalo tuloy akong naguguilty at minsan napapaiyak na lang kasi parang walang nakaka intindi sa nararamdaman ko 😭