Wag ka ma-stress mommy, ako nag-positive sa RT-PCR nung August 10 lang. Double dose ng Vitamin-C, Folic Acid at Biogesic lang ang pinainom saken ni OB. Daily akong nag-aupdate ng temperature at oxygen level sa kanya. Take more fluids at fruits. Pahinga at tulog ang kailangan. Kusa naman po namamatay ang virus, basta importante bawal ma-stress at palakasin ang katawan.
14 weeks na po ako now, nakapag-pacheck up na din at sa awa ni Lord ay okay na okay c baby, ang lakas ng heartbeat nya. Nabigyan na din kami ng clearance ng health department. Nag-positive po kami lahat sa bahay namin. Recovered na din po kami lahat. Ubo at sipon, mainit na pakiramdam pero walang lagnat, yan po mga symptoms namin. 😊🙏
Kaya mo yan mommy, pray lang at kausapin c baby palagi. 😊
Đọc thêm