74 Các câu trả lời
hindi po totoo yan mommy. iba iba magbuntis ang mga babae. asawa ko lalong gumanda nung nabuntis. tapos ang liit lang magbuntis. kala nga ng lahat babae magiging anak namin. maganda talaga sya nung dalaga. casino dealer kasi. kaya nung nabuntis sya lalo syang nagbloom. gusto ko boy first baby namin kaso akala ko girl baby namin dahil sa hitsura nya. nung nagpa ultrasound sya. umiyak talaga ako dahil boy pala. hehe.
Big NO NO for me. Its my 2nd pregnancy and its a girl now. But wtf chinacharot charot pa ako ng iba na blooming ako pero grabe subrang nangitim whole body lalo na mga kili kili at neck ko. But i know lahat ng to ay worth it pag lumabas na si baby :) Pero in the other side nakakababa sya ng confidence at nakakaconcious din.
For me di po siya totoo, daming nagsasabi na baby girl baby namin because pala ayos ako pero kahit di ako nakapag ayos blooming pa din daw pero pagka utz po namin baby boy, samantalang yung cm ko po nangingitim yung leeg kahit na pala ayos siya pero girl naman po kanya. depende po talaga sa hormonse ng buntis
Not true. Boy ang baby ko pero lagi ako sinasabihan before na baka girl kasi nga blooming daw ako. Nung nalaman na namin gender, lagi naman sinasabi now na parang di daw boy ang magiging baby ko (kasi nga maganda pa din ang mommy lol). Iba-iba lng nman tlga ang pregnancy for every woman :)
Dati naniniwala ako dito pero nung ako na yung nabuntis, hindi na. I'm carrying a baby girl pero I'm not blooming naman. Although wala naman changes sakin aside sa weight gain at pag laki ng tiyan, same pa din ichura ko as before, di lumaki ilong, walang nangingitim, etc.
Nako di totoo yan. Si mama ko nga nung nagbuntis palagi talagang nagpipimples at bilugan talaga. Sabi ng sabi yung iba na boy daw kada buntis niya. All girls naman kami.😂 kaya antay na lang talaga tayo kapag possible ng makita sa ultrasound.
hindi po totoo.ang iba nagkakataon lang pero pawang matandang paniniwala lamang po yan.malalaman ang gender sa ultrasound at hindi sa hitsura ng nagbubuntis.nawa ay mawala na sa lahat ng tao ang ganung paniniwala dahil panglito lamang ito.
Based on my situation. 7mos preg po ako now boy po 1st baby . Grabe selan ko saka nangitim leeg and klikili nagmukang haggard din ako ng bongga grabe din manas ko umitim din ako.. Tamad mag ayos etc. Pero dpende naman iba iba naman po tyo.😊
not so true po mommy ako sa first baby ko blooming ako Baby girl siya Pero dito sa 2nd baby ko ang panget ko tlga so akala ng marami baby boy na dinadala ko ngayon' pero last check up ko nkita sa ultrasound baby girl po ulit😊
Sakin not true. Pero sa first 5 months ko napaka blooming ko then here comes the third trimester mas naging haggard at lumabas ang mga pimples ko tas yung leeg ay kili kili medyo umitim kahit nag iiscrub naman ako. Hahaha
Jilen Poblete Sta Ana