Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Mother of 1 superhero junior
Hair Color.
pwede na po ba akong magcolor ng hair ? last nov po ako umanak. thanks
lungad ?
bakit po madalas lumungad si baby? napapadighay ko naman po sya ng ayos.
For normal delivery ?
Gaano po katagal dinudugo after giving birth ng normal delivery ? Ako po ay umanak nung nov 24 at hanggang ngayon me dugo pdin po nalabas sakin . normal lang po ba yun ?
breastfeeding moms :)
Share ko lang mga momsh. Nung time na hindi pa nalabas si Baby . Worried na worried ako kasi wala pa akong gatas. Pero after giving birth Namingkas dede ko. Gustong gusto ko mag pabreastfeed nakisama naman si baby galing niya um-ut ot. after makailang padede grabe parang ayaw ko na magpadede. subrang sakit. sugat na sugat na nipple ko. tipong habang nadede si baby napapaihi na ako sa sakit . haysss . Kelangan lang talaga ng tiis at konting tatag pa para kay baby :)
ano po gagawin ko?
Pahelp naman po . subrang sakit puson ko. ano po gagawin ko :(
11.24.19
Our Little Princess :) Super sulit lahat ng sakit at pagod. nov 23. inadmit ako. Induced labor again. Gabi na di pa din naeffect sakin . 8:30pm pinaputok na panubigan ko and ayun 9pm nahilab na siya . hanggang madaling araw todo padin paghilab feel ko lagi lalabas na si baby. Galit na sakin mga nurse dahil ilang beses ko ng pinatawag ng pinatawag sa husband ko. pero hindi pa talaga lalabas si baby kase 2cm plang . Hanggang 4:30 am pinadala na ako ng mga nurse sa DR kahit 5 cm palang Siguro kulit na kulit na sila sakin kaya ayun magisa lang ako sa DR dun ako naglabor . To cut the long story short . 6:20 am. Lumabas na si baby :) Thank you Lord and thank you sa inyo mga momsh sa mga advices :)
Sakit ng puson :(
Normal lang po bang sumasakit ang puson ko . Nung 24 po ako nanganak via normal delivery. And if not ano po pwede kong gawin :( Thanks po
40 weeks and 5 days.
No sign of labor padin :( Baby cant wait to see you :(
Pampahilab?
Mga momsh ano pa ba pwede kong gawin para humilab na tyan ko :( Last day ko na ngayon pag hindi padin to humilab hanggang mamaya . Induce labor na naman ako :( Please help me mga momsh.
40 weeks.
Good Morning momshies. Its my 40th week. No sign of labor padin :( Lakad lakad padin , Imis bahay , squat and 1 week na ako nagtatake ng eve prim. Hays :(