24 Các câu trả lời
ako din noong 27 weeks ako 2nd pregnancy ko din to breech sya then ang ginawa ko nagpapamusic habang iniilawan sya sa bandang puson ko gabi gabi. tapos tumitihaya ako ng nakasubsub ung mukha sa higaan mas angat ung pwetan 5-10 mins nagawa ko lang ata ng limang beses. nagpacheck up ako sa ob ko last week and inultrasound ako thankyou Lord nakacephalic na sya 😊 iikot pa daw ang baby kaya pinapamusic ko parin sya hanggang ngaun pero minsan minsan nalang ung ilaw. inom ka maraming tubig para makatulong un pampaikot pa kay baby sa loob ng tyan sabi ng ob ko
ganyan yung 2nd baby ko.. the whole pregnancy hanggang 36weeks naka Breech tapos na sched CS ng 37weeks nung nasa surgery room na saka lang nakita naka pwesto na cephalic si baby ko😅 pero mii advise ko lang sayo wag mo na antayin pa pumwesto pag kabwanan na at suhi pa rin pa CS na talaga di kasi natin masisigurado kung ppwesto talaga sila.. mahirap na baka mag labor at mapaanak .. delikado lalo na kung footling si baby.. ang importante lang naman dito maging safe kayo both ni baby... Godbless
Iikot pa yan mamsh. Ako nga 35weeks ko nun breech position si baby, ginawa ko lang sinabi nung ilang kakilala ko na maglagay NG music sa mag bandang puson,iniilawan ko din, tapos kausapin palagi si baby na ikot na sya.. Ayun nxt check up ko, gulat ako, nag cephalic sya🙏 pero bagsak ko pa din cs😅 heheh... Na stock NG 7cm, D na sya bumaba 😅 12hrs labor, waley! eto na kami ngyon mg 6mos na si lo ko sa sept 1🙏😊 Keepsafe always mamsh, good luck!
relax and chill ka lang po mamii, maaga pa po. iikot pa po si baby pero para makatulong din try mo po lagi magpatugtog ng mga lullaby tas yung speaker lagay mo or tutok mo po sa may puson banda para sundan niya po yung sounds :) sakin 34weeks breech daw pero nung ginawa ko to every night and syempre kinakausap din si baby.. nung nagpaultrasound ako ulit ng 36weeks umikot na sya :)
Salamat po i try ko nga po
Iikot pa po yan mi wag ka po mag worry. Super likot din ng baby ko nuon. breech din sya at 21 weeks lagi lang ako nag pa music sa may puson ko tas flash light nung 30 weeks na nag pa ultrasound ako ulit naka pwesto na si baby pero maliit sya kaya sabi ng ob posible na mag likot likot pa sya sa loob. Nanganak ako july 9 2440 grams lang si baby.
Mi napaka aga pa para mag worry haha. Nung around ganyang weeks ko paikot ikot pa baby ko hahaha! Nung manganganak na ko cephalic na sya, nag 10cm pa nga haha pero na cs pa din hahahaha! Wag mo masyado iworry pwesto ni baby. Naka depende pa din sa takbo ng labor mo kung ma cs or hindi.
Relax lang mie since 27 weeks ka palang expirince ko kada check up pa iba iba ng pwesto yung baby ko 30 weeks ako nung naka breech sya then now 35 weeks na ako cephalic na sya ginawa ko lang is lagi ako nag papatugtug sa gawi ng puson ko or tutukan mo ng flashlight nakakatulong yon.
breech baby ko nung 25weeks then transverse nung 29weeks, by 33weeks ultrasound cephalic na at nakapwesto na rin according sa OB ko. lagi lang akong nakasidelying too early pa magworry sa pwesto ni baby hanggat di ka pa nag36weeks, pwede pa yan. talk to your baby din at pray lang.
kaka pa ultz ko lang nitong morning Mami. 26weeks preggy ako. and sinabi na suhi din Ang sakin. tinanong ko if ano kaylangan Gawin para umikot pa SI baby then Sabi nya Wala Naman need Gawin Kasi iikot at iikot padaw SI baby. 😊
Iikot pa yan mamsh since 27 weeks pa naman. Cephalic daw talaga pinaka comfortable na pwesto ang baby, kung normal size naman ang uterus mo po since sabi mo nakapag normal delivery ka before, iikot din po yan katulad nang dati.
Gracielyn Marabi - Ariente